Limang araw ang naging pananatili ni Drei sa ospital ni Trevor. Talagang sinigurado ni Sir Damian na magaling na muna ang anak namin bago kami lumabas. Sa pangatlong araw kasi namin ay tumaas na ang bilang ng platelets count ni Drei ngunit ayaw na muna ni Sir Damian na lumabas na kami ng ospital. Kailangan muna raw na masiguro ni Trevor na magaling na magaling na ang kanyang batang pasyente kung hindi ay idedemanda ng aking amo ang buong ospital. Sa loob ng limang na iyon ay talagang naramdaman ko na iba pala mag-alaga ang isang Sir Damian lalo na kay Drei. Halos siya ang nag-aasikaso talaga sa anak namin. Nagtatanong lang siya kung paano niya dapat gawin tulad ng kung paano mag-paligo. Matiyaga rin siya sa pagpapakain kay Drei. Lahat ng hilingin ng anak namin ay mabilis siyang nag-uutos

