Nakahiga lang ako sa extra na kama sa private room kung saan naka-admit si Drei pero hindi talaga ako dalawin ng antok ng antok kahit pa panay ang sabi sa akin ng Tatay ng mga anak ko na matulog na ako at siya na ang bahala sa aming anak. Binabantayan ni Sir Damian ang anak namin pero hindi niya alam na binabantayan ko rin siya. Napapangiti na lang ako ng wala sa oras sa tuwing nakikita ko siyang pinagmamasdan sa kanyang palad ang mga chocolates na binigay ni Duke kanina. Malamang na hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa ng anak. Kaya para siyang baliw na titig na titig sa mga chocolates na nasa kanyang palad. Dahan-dahan niya pang binubuksan ang kulay palara nitong balat na para bang ayaw niyang mapunit kahit konti. Kapag nabuksan naman niya at kinain na ang chocolates ay animo nina

