Nag-positive nga sa dengue si Drei. Sobrang baba ng bilang ng kanyang platelet. Mabuti na lang at agad kong napansin kung hindi ay baka napano na talaga ang anak ko. Sa ngayon ay kasalukuyan na siyang naka-admit dito sa ospital na pag-aari ni Trevor. Wala naman talaga akong masabi sa mga hospital staffs ni Trevor dahil talaga naman lahat ay maasikaso. Hindi ko lang alam kung dahil kaibigan ni Sir Damian ang owner ng ospital o dahil natatakot na baka ipatanggal niya ang sinuman kapag naiinis siya. Galit na galit si Sir Damian habang mura ng mura. Nag-utos siya sa mga kasambahay sa mansyon na maglinis ng mabuti dahil kapag may nangyari kay Drei ay mananagot ang lahat sa kanya. Maging ang mga guards sa labas ay panigurado na aligaga. Malamang na hindi magkamayaw ang lahat sa bahay sa paglili

