"Anak, matamlay ka yata?" tanong ko kay Drei ng mapansin kong halos hindi niya ginagalaw ang pagkain sa kanyang plato. Mula paggising namin kaninang umaga ay hindi ko napansin na narinig ko ang masiglang tinig ng anak ko. Ngayon naman na nasa hapag kainan kami habang nag-almusal ay para pa rin may kulang. At iyon na nga. Napansin ko ang matamlay kong anak. Hindi siya ganito katahimik. Kadalasan ay sinasaway pa siya ng kakambal na si Duke dahil habang kumakain ay walang katapusan na kwento kanyang ginagawa. "Drei, may masakit ba sayo? Ayaw mo ba ng almusal? What do you want? Do you want fries?" tanong na rin ng kanilang Tatay Damian. Umiling si Drei at hindi nagsalita. Kaya naman tumayo na ako upang lapitan siya. Hindi nga ako nagkamali ng hinala. Mainit ang balat niya ng aking hawakan

