Ayoko man na tumabi kay Sir Damian ay napilitan na talaga ako at baka bigla siyang sumigaw at magising ang mga bata. Kumilos na ako habang may pasensya pa ang Tatay ng mga anak ko. "Sir, bakit ba kasi kailangan na tumabi pa ako sayo? Pwede naman na sa kabilang dulo ng kama ako mahiga. At saka mainit kapag sobra tayong dikit-dikit." Katwiran ko. "Masyadong malamig ang buga ng aircon para sabihin mong mainit. Gusto kong dito ka sa tabi ko matulog tulad kagabi. Magkatabi tayong dalawa. At bakit ka pa ba nagtatanong? Natural lang na magkatabi tayo dahil malapit na rin naman tayong ikasal. Ngayon ka pa mahihiya gayong alam na ng lahat na meron na tayong anak? Hindi isa, hindi dalawa kung hindi tatlo agad. At saka ilang beses mo na rin nakita ang hubad kong katawan. Kaya ano pa bang itatago k

