Episode 145

1100 Words

Pangarap ko talaga na sana balang-araw ay mapasyal ko man lang ang mga anak ko sa isang sikat na amusement park kung saan pwede silang sumakay sa iba't-ibang rides at magsaya sila buong araw. Sa wakas, natupad na. Hindi nga lang ako ang tumupad sa pangarap ko kung hindi ang Tatay ng mga anak ko. Walang pagsidlan ng tuwa ang triplets sa pamamasyal namin ngayong araw na para bang ngayon lang sila namasyal. "Tay, sana po lagi tayong namamasyal." Hiling ni Drei na halatang pagod at antok na antok na. Kasalukuyan na naming binabagtas ang daan pauwi sa mansyon. "Oo naman, Drei. Lagi tayong mamasyal anak." Tugon naman ng aking amo na mula kanina ng mag-talo kami tungkol kay Isko ay kibuin-dili na ako. "Tay, pagod na po ako. Hindi na po yata ako makalakad sa sobrang pagod," sambit naman ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD