Episode 144

1238 Words

Natuloy nga ang paglabas namin ni Sir Damian kasama ang aming mga anak. Hindi na sumama si Tine. Dahilan niya ay siya naman daw ang magpapahinga buong maghapon. Pero alam kong hindi naman niya gagawin na mahiga lang at walang ginagawa. Malamang na talagang hindi na siya sumama ay dahil gusto niyang kami-kami na muna ni Sir Damian at ng mga bata ang mag-bonding. Sakay kami ng isa sa magara at maluwag sa loob na sasakyan ni Sir Damian. Magkatabi kami sa upuan habang ang tatlong bata ay magkakatabi rin. Talagang sinigurado pa ng Tatay ng mga anak ko na maayos ang pagkakabit ng kani-kanilang seatbelt. Magkatapat lang din ang aming upuan kaya sa palagay ko ay pinasadya na ni Sir Damian na ganito ang maging itsura ng loob ng kanyang sasakyan para sa kanyang mga anak. Sa ospital na pag-aari n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD