"Sabi ko na nga ba at kayo rin sa huli ni Sir Damian. Masayang-masaya ako para sayo, Ana Joy. Sa wakas hindi na magiging bastrado ang mga inaanak ko." Nakangiti na sambit ni Tine. Kanina ng sinundan ko si Sir Damian sa kanyang silid at hindi naman ako kinausap ng matino. Bagkus ay kung anu-ano lang na may halong kahalayan ang kanyang mga sinabi ay dito na ko tumuloy matapos siyang magtungo na ng banyo. "Huwag kang maniwala, Tine. Nagbibiro lang ang amo natin." Walang gana kong sagot at saka nakatitig sa pinto ng silid kung nasaan ang mga anak ko at si Miss Silva. Hindi pa tapos ang klase nila. Wala naman kaming gagawin ni Tine dahil ayaw na kaming pakilusin ni Sir Damian dito sa mansyon dahil nga meron ng mga kasambahay siyang kinuha. "Anong nagbibiro? Mukha bang nagbibiro si Sir Damia

