Episode 142

1372 Words

Hindi ko alam kung paano ako nakatapos sa pagkain ng almusal. Basta samut-saring tanong na bakit ang nasa isip ko. Bakit ginagawa ito ni Sir Damian? Bakit kailangan niyang sabihin sa harap ni Trevor at ni Tine na magpapakasal na kaming dalawa? Bakit kailangan magpakasal kami? Bakit ako? Hindi ko alam kung biro lang ba at kapag paniwalang-paniwala na ako ay bigla na lang niyang sasabihin sa mukha ko na isa lang itong malaking prank. Tutulong sana ako sa pagliligpit ng aming mga pinagkainan ngunit madiin din na tumutol ang aking amo. Kaya nga raw siya naghanap ng mga kasambahay ay para hindi na ako magtrabaho sa mansyon. Para nakatutok na lang ako sa pagpapalakas ko ng katawan at para sa mga anak namin. Nakakahiya na nga na naririnig ni Tine at Trevor mas nahiya kasi ako sa mga bago

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD