Nagmamadali akong pumasok sa loob ng banyo ng marinig ang pagbabanta ni Sir Damian. Mahirap na at baka totohanin niya anuman ang kanyang sinabi. Naabutan ko naman siyang nagto-toothbrush ng kanyang mga ngipin. Sinundan niya ako ng tingin sa pamamagitan ng aking reflection sa salamin kung saan siya nakaharap. Malaki naman talaga ang banyo. Magkahiwalay ang shower kung saan pwedeng maligo at kung saan ka pwedeng umihi at dumumi. Nagmamadali akong pumasok kung nasaan ang bowl at iniwasan na ang mga mata ni Sir Damian. Mabuti na lang at wala na siya sa loob ng banyo ng matapos akong umihi. Kaya ako naman ang naglinis ng aking katawan. "Good morning, Nanay!" ang matinis na tinig ni Drei ang sumalubong sa akin paglabas ko ng banyo. Narito na pala silang lahat na tatlo kasama ang kanilan

