E140 Naalimpungatan ako sa mahimbing na pagtulog. Wari kasing nararamdaman ko na tila may nakamasid sa mukha ko habang nakapikit ang aking mga mata. Inaantok pa talaga ako dahil nga halos mag-uumaga ng dalawin ako ng antok. Sino ba naman ang agad makakatulog kung may katabi kang lalaki na hindi mo naman ka anu-ano? At ang lalaki lang naman ay ang amo ko at ang Tatay lang naman ng triplets ko. Kahit anong gawin kong pagbilang ng mga tumatalon na tupa sa aking isip ay hindi talaga ako makatulog. Naiilang talaga ako sa sitwasyon namin ni Sir Damian. Magkatabi lang naman kami dito sa kama. Kahit pa sabihin na malapad ang space ay ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan ng aking amo. Ewan ko ba? Bakit namutawi sa bibig ko na dito na rin siya matulog pagkatapos niyang malaglag sa fold

