"Sir, hindi niyo naman obligasyon na bantayan ako. At saka kaya ko naman mag-isa. Pwede niyo na po akong iwan at doon na po kayo sa silid nyo matulog. Mas maging komportable po kayo sa sarili niyong kama at hindi mo sa tulad ng isang folding bed. Baka sumakit lang po ang likod niyo sa ganyan na higaan." Pilit kong giit. Ano ba naman kasi ang naisip ng amo ko at talagang gusto niya pa akong bantayan at samahan matulog dito sa silid. Siguradong uulanin ako ng panunukso ni Tine nito bukas kapag nagkataon. "Inuutusan mo ba ako, Ana Joy? Hindi ba sabi ko dito ako at babantayan kita?" tila naiinis na tanong ni Sir Damian habang hawak ng ang dalawang unan na may punda na kulay puti at ganun din ang kulay ng kanyang kumot. "Hindi ko naman kayo inuutusan, Sir. Ang akin lang talaga ay baka hindi

