"Sir, grabe naman! Pinakyaw niyo yata ang buong tindahan ng prutas sa dami ng mga binili niyo. Hindi na nga halos nagkasya sa loob ng kusina. Iyong iba na madaling mabulok ay nilagay ko na po sa ref," sambit ni Tine kay Sir Damian na nakauwi na pala galing sa kung saan siya nagpunta. "Marami pa sa loob ng sasakyan. Bukas na lang ilabas dahil bukas din darating ang mga kasambahay na kinuha ko sa agency." Seryosong sabi naman ng aking amo na mataman na nakatitig sa akin. Mula kanina ng pumasok siya sa silid ay hindi niya na inalis ang paningin niya sa akin. Wari bang nagbabanta na anuman na mali na gagawin ko ay lagot na naman ako. "Wow! Sobrang dami naman. Akala mo naman ay naglilihi ka na Ana Joy!" bulalas ni Tine na ikinabigla ko kaya naman agad akong tumingin ulit kay Sir Damian. Nguni

