"Mga anak, dahan-dahan naman sa paglalakad. Baka madulas kayo." Paalala ko sa mga anak ko habang hindi mapigil ang kanilang sarili na lumakad ng mabilis. Saglit nga lang ang itinagal ni Sir Damian ng siya ay umalis kung saan nagkasagutan pa kami. Tulad ng sinabi niya sa mga anak niya na may pupuntahan sila ay heto na nga. Lumabas kaming lima, si Sir Damian, ako at ang tatlong bata na hindi na naman magkamayaw sa tuwa sa dami ng mga nakikita sa paligid. Ayaw na muna ng Tatay ng mga anak ko sa mga pasyalan da labas dahil nga sa nangyari kay Drei. Malamang na bibilihan na naman ng aking amo ang kanyang mga anak ng sandamakmak na mga laruan, mga damit, mga sapatos at kung anu-ano pa na mga bagong gamit na siguradong problema na naman namin ni Tine kung saan na naman ilalagay. Huminto kami

