"Ano ba naman yan, Ana Joy? Bakit naman umabot ang lovers quarrel niyo ni Sir Damian sa ayaw mo ng magpakasal sa kanya? Ano naman ang malalim na pinag-awayan niyong dalawa? Huwag mong sabihin na tungkol na naman ito sa napanood mong teleserye noong isang araw?" tanong ni Tine na aksidente pa lang narinig ang naging pagtatalo namin ni Sir Damian kanina bago siya umalis ng mansyon. "Hindi ko naman kasi maintindihan ang Tatay ng mga anak ko kung bakit sinabi niya sa mga bata ang ganun na bagay. Umiyak tuloy ng umiyak sina Drei at Dreau kanina," sambit ko. "Bakit naman kasi bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin? Bakit bigla ka na lang umurong sa kasal niyo? Natural lang na sasama ang loob ni Sir Damian na malamang na kaya sinabi sa mga bata ay upang makahanap ng kakampi. Ano na naman ba a

