"Sir, hindi ko naman maintindihan sayo kung bakit sinabi mo pa sa mga bata ang tungkol sa bagay na dapat ay sa atin lang dalawa?" mahinahon kong tanong ngunit sa totoo lang ay inis na inis ako Bakit kailangan pang sabihin ni Sir Damian sa mga anak ko ang tungkol sa pagtanggi ko ng magpakasal sa kanya? Nahirapan tuloy kaming pahintuin sa pag-iyak si Drei at Dreau na akala mo ay namatay sa kanilang ginawang pag-atungal. "Karapatan nilang malaman dahil mga anak ko sila. Mga anak natin sila. Mga anak na kailangan ng isang buong pamilya na gusto mong ipagkait dahil sa hindi ko maintindihan na biglang pagbabago ng isip mo tungkol sa kasal sa pagitan natin. Ikaw ang dahilan kung bakit sila umiyak ng ganun. Kung bakit sila malungkot at kung bakit naguguluhan na sila." Katwiran ng aking amo na

