"Mga anak, paki tanong niyo nga kay Nanay kung gusto niyang sumama sa mall mamaya. May bibilhin kasi ako. Gusto ko kasing kasama rin kayo," saad ni Sir Damian sa mga bata na ngayon ay huminto sa pagkain at nakatingin sa kanya. Narito kaming lahat sa dining area at sabay-sabay kumakain ng almusal. Hindi pa rin ako gaanong kinakausap ng Tatay ng mga anak ko. Madalas kung may sasabihin siya ay dinadaan niya sa mga anak namin para makarating sa akin. Tulad ngayon na may pupuntahan pala siya at gusto niyang isama ang mga bata. "Nay, tinatanong po ni Tatay kung gusto niyo raw po na sumama sa mall mamaya? May bibilhin daw po kasi siya." Si Drei ang nagsalita. "Paki sabi anak na may gagawin ako. Kayo na lang mga anak niya ang isama." Tugon ko. Naalala ko kasi na aayusin ko ang mga damit ng tr

