Hindi pa umuwi si Sir Damian mula kaninang umaga ng umalis siya dahil sa naging pag-uusap namin. Agad nga akong tinanong ni Tine kung bakit parang galit na galit daw ang Tatay ng mga anak ko dahil sinigawan na naman daw ang mga tauhan niya sa labas ng bahay habang kinukuha lang naman ang susi ng kanyang sasakyan. Halos banggain pa raw ni Sir Damian ang gate kung hindi agad nabuksan ng mga guards na nagbabantay doon. Lalo tuloy akong kinabahan dahil gabi na ay hindi pa siya nakakauwi. Kung anu-ano na ang mga iniisip ko na pwedeng maging dahilan kung bakit wala pa siya. Hindi ko rin naman siya makontak dahil hindi naman niya dala ang kanyang cellphone na gamit dahil nakita kong nakapatong sa side table sa kanyang silid. Panay pa ang tanong ng mga anak ko kung bakit wala ang Tatay nila? K

