Simula ng naisip ko na baka gusto lang akong pakasalan ni Sir Damian ay dahil sa may mga anak na kami ay waring nag-iba na ulit ang tingin ko sa kanya. Sa tuwing naaalala ko kasi na hindi naman pormal na naging kami ay pumapasok sa isip ko na totoo marahil ang hinala ko. Sa bagay, tulad naman ng sinasabi ko dati. Sino ba naman ako? Isa lang akong hampaslupa. At wala akong karapatan na ikumpara sa dati niyang asawa dahil kahit konti ay wala akong sinabi. "Nay, may sakit ka ba?" tanong ni Duke na dinampi pa ang likod ng kanyang kanan na palad sa aking noo. Kasalukuyan ko silang binibihisan ng uniform para sa klase nila kay Miss Silva. "Wala naman akong sakit, Duke." Matabang kong sagot at pinilit ngumiti. "Para po kasing may sakit kayo, Nay. Nahihilo na naman po ba kayo?" usisa naman n

