"Parang may nag-iba sayo, Ana Joy?" untag ni Tine habang tinitingnan ako ng mabuti. Para bang may hinahanap siya sa katawan ko kung makatitig. "Ano naman? Ganun pa rin naman ako. Kaya ano naman ang nag-iba sa akin?" usisa ko rin naman. Wala naman talagang pwedeng magbago sa akin dahil wala naman akong kahit anong pinagbago. Ako pa rin si Ana Joy na may tatlong anak. "Hindi, may nag-iba sayo pero hindi ko lang matukoy. Ganyan ba talaga kapag inlove? Tipong wala ka naman pinapahid sa mukha at katawan mo pero ang awra mo kumikinang? Nagliliwanag kahit hindi naman talaga." Magulong paliwanag ng kaibigan kong may dalang mga labahin. Malamang na maglalaba ng kanyang mga damit. May dalawa na kaming kasambahay na nakatoka sa paglalaba ngunit ayaw talaga ni Tine na ipalaba ang kanyang mga damit

