"Nakakatuwa lang na unti-unti na akong natatanggap ni Duke. Sana lang ay tawagin niya na akong Tatay." Madamdaming sambit ni Sir Damian habang nakatitig kay Duke na tulog na tulog na rin katabi ang mga kakambal. Matapos ng mga kung anu-anong kwentuhan at kulitan ay nakatulog din silang tatlo. Kailangan bumawi ng katawan ni Drei. Kahit pa masigla na siya ay alam kong kailangan niya pang bawiin ang ibang lakas na nawala. Alam ko naman na hindi naman magtatagal ay magagawa niya ang bagay na iyon dahil magana naman talaga siyang kumain. "Palagay ko ay hindi naman magtatagal ay tatawagin ka na rin niyang Tatay. Baka nahihiya pa lang si Duke, Sir," saad ko at saka na rin humiga sa tabi ng aking amo. Wala na kasi akong choice kung saan ako dapat pumwesto. Doon lang sa tabi niya ang may bakante

