Malapad ang ngiti ni Sir Damian ng marinig ang aking sinabi. "Good. Uwi na tayo. Naghihintay na ang mga anak ko." Sagot niya sa akin at nagsimula na siyang humakbang patungo sa pinto palabas ng silid. "Damian, ipahatid ko na ang hayop na ito sa dapat niyang kalagyan." Boses ni Trevor ang pumailanlang. "Yeah, ikaw na ang bahala sa hayop na 'yan. Kung ako lang masusunod ay talagang pahihirapan ko pa siya ng matagal pero hinihintay na ako ng mga anak ko," sambit ni Sir Damian na patuloy lang sa paglakad habang hawak ang kaliwa kong kamay. "Baka hindi ko na malapitan ang mga anak mo niyan? Kung gusto mo ay ako na lang ang mag-aalaga sa isa sa kanila?" tanong ni Trevor na halata naman na inaasar lang ang kanyang pikon na kaibigan. "Gumawa ka ng sayo!" asik na sagot ng aking amo. Isang taw

