"Sigurado ka ba, Ana Joy? Kinakabahan ako sayo at sa gagawin mo." Banaag sa malamlam na mata na parang inaantok ang pag-alala sa akin ni Tine. Matapos kong mapanood ang balita na kinuhanan niya ng video sa kanyang cellphone ay nakapag desisyon akong lumuwas papuntang Maynila para hanapin si Trevor. Si Trevor ang malinaw kong nakita sa video. Hindi lamang pala siya magaling na dermatologist kung hindi maging sa larangan pagnenegosyo. Luluwas ako para puntahan at kausapin siya kung ano na nangyari kay Sir Damian. Kung buhay pa ba siya. Isinara ko na ang zipper ng kulay asul na backpack na dadalhin ko. Dalawang pares na damit na pampalit ko dito suot ko. Nagbaon din ako ng ilang piraso ng biscuit at tubig. Malayo-layo rin ang lalakbayin ko mula dito sa probinsya hanggang sa lungsod kun

