"Kamusta naman si Duke, Ana Joy? Please, huwag mo siyang pagalitan ng pagalitan. Baka akalain ng pamangkin ko na walang nagmamahal sa kanya." Pakiusap ni Ma'am Debborah sa akin. Kasalukuyan ko siyang ka-video call ngayon sa aking cellphone na gamit. Araw-araw naman talaga kaming magka-usap dahil lagi niyang kinakamusta ang kanyang mga pamangkin. Kahit malayo siya ay gusto niyang updated lagi. Kahit busy siya sa trabaho at pag-asikaso kay Doña Dorina ay hindi pwedeng hindi lilipas ang araw na hindi siya tumawag para sa mga pamangkin. "Ana Joy, nagtatampo ako sayo dahil wala ka man lang binabanggit na delikado na pala ang buhay niyo? Paano na lang talaga kung nagawan kayo ng masama ng lalaking 'yon? Paano ang mga bata kong pamangkin na hindi pa kayang ipagtanggol ang mga sarili? Alam mo ba

