Isang babae na may edad na ang nagpakilala bilang tutor ng mga anak ko ang kasalukuyan na narito sa mansyon ng mga Zarrate at kasama na ang tatlong bata sa isang silid kung saan na sila nag-umpisa na mag-aral. Gusto kasi ni Sir Damian na maging handa muna ang kanyang mga anak bago pumasok sa exclusive school na kanyang personal na pinili para sa tatlong bata. Excited na nga rin kami ni Tine sa pagpasok ng mga anak ko sa kanilang bagong paaralan na malamang na may nakakalula na sobrang mahal na tuition fee. Sigurado rin na puro anak mayaman ang mga magiging kaklase ng mga anak ko. May tiwala naman ako sa mga anak ko na madali lang naman nilang natutunan kung ano ang mga ituturo ng kanilang tutor. "Tine, panay naman ang silip mo sa mga inaanak mo. Baka mamaya ay nakakaistorbo ka na?" ser

