Nanatiling tikom ang aking bibig kahit ilang ulit akong tinanong ni Sir Damian kung nasaan ang kanyang Mama. Si Doña Dorina. "Ana Joy, nasaan si Mama?" Napipikon niya ng tanong ulit. Alam kong nagtitimpi na lamang siyang huwag magalit pero alam kung maiksi lang ang kanyang pasensya lalo na at tila wala akong naririnig at walang balak mag salita para sagutin siya. "Ana Joy, bakit ba hindi mo na lang sagutin si Damian." Si Dr. Mendez na alam kong napipikon na rin sa ginawa kong hindi pagsagot. Nakita kong humugot ng isang malalim na hininga si Sir Damian. Ipinikit niya pa ng mariin ang kanyang mga mata ngunit lumalabas na ang ugat sa kanyang leeg dahil umiigting na sa inis ang kanyang panga. "Uulitin ko, Ana Joy. Nasaan si Mama? Saan mo siya dinala? Saan mo siya tinago? At sino ang mga k

