"Sir, ako na ulit ang humihingi ng sorry para sa anak kong si Duke. Hindi ko na nga alam kung paano ko pa ipapaliwanag sa kanya na ikaw talaga ang Tatay niya at ng kanyang mga kakambal," wika ko kay Sir Damian na kasalukuyan pa lang narito sa kanyang opisina dito sa loob ng malawak na library ng mansion. "Ana Joy, I understand. Huwag mo na lang sana laging pinapagalitan ang anak ko. Kaya ko naman maghintay hanggang sa matanggap niya ako bilang Tatay niya." Sagot ng aking amo na nakaupo sa tapat ng kanyang working table at abala sa kung anong sinusulat. "Hindi ko naman mapapalampas ang kagaspangan ng ugali ng kahit sino sa mga anak ko, Sir. Ayoko na hanggang sa paglaki at pagtanda niya ay madala niya ang hindi magandang ugali." Katwiran ko. Isa talaga sa iniisip ko ay baka dahil laging p

