"Grabe ka naman, Ana Joy! Sana sinabi mo kay Sir Damian na hindi rin siya sure kung tatanggihan ko kapag binigyan niya ako ng pera. Hello! Gusto ko ng maraming pera kaysa naman pagandahin at pakinisin pa ang magaspang kong balat ko! Sanay na ako sa ganito!" palatak ni Maria Kristina nang marinig ang mga sinabi ko tungkol sa plano ni Sir Damian na kausapin ang doktor sa balat na si Trevor para maayos ang malaking peklat sa binti at hita ni Tine. "Paano babalik ako sa opisina ni Sir para sabihin na pera ang gusto mo at mali ang iniisip niya na tatanggi ka sa malaking halaga na ibibigay niya sayo?" untag ko sa kanya ngunit alam ko naman na hindi naman 'yon totoo. Hindi mukhang pera ang Ninang ng mga anak ko. "Huwag na nga at baka doblehin pa ni Sir kung magkano pa ang ibibigay niya sa akin

