bc

Love at First Fight "Cong.Exodus & Doc.Lavinia"

book_age18+
2.6K
FOLLOW
28.7K
READ
reincarnation/transmigration
HE
badboy
confident
heir/heiress
sweet
mystery
loser
campus
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Si Exodus Banderas ay isang 35 years old, Isa sa pinaka batang Congressman sa Distrito ng Alitagtag. Kilala sya Sa pagiging mabuti at may pagka matulungin. Wala pa lang

sya sa politiko ay Likas na sa kanya ang pag tulong.

Paano nya ba mapapaamo ang isang Doctora na Animo isang Tigre kapag nakikita sya, walang iba kundi si Doctora Lavinia Munji 30 years old. Kabaligtaran nya ito. Di maitatagong Maganda at Mayaman ito, Ngunit hindi nya alam kung bakit galit na galit ito sa kanya.

Saan nga ba mag sisimula ang lahat. Gano kaya KAHABA ang pagpa pasensya nya sa Nasabing Dalaga. At saan naman aabot ang PAG MAMALDITA ng Doktora sa nasabing Kongresista. May mabuo kayang pag sinta sa kanilang Dalawa kung sa umpisa pa lamang ay Allergic na sila sa isat isa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 "FIRST FIGHT" UNANG LANTAD BARDAGULAN AGAD hahaha
3rd PERSON POV LAVINIA Hayst! Kanino bang sasakyan to hindi marunong mag park! Nakakuha ng lisensya simpleng pag pa park hindi magawa! Kaya walang asenso eh, simpleng bagay ayaw sumunod! Inis na wika ng Dalagang si Lavinia. Oh my Goodness! Dalawang araw palang ako sa Pilipinas pero parang gusto ko na bumalik sa U.S . Hmmmp! Kung hindi lamang dito kay Yorme hindi muna agad ako babalik, Ayan kasi mai in love in love sa iba tapos kapag hindi pinili ma bro broken! Kainis, pano ako naman yung naririto ayaw naman akong pansinin! Pasaway din tong mga lalaking to eh, napakahirap spellingen minsan, hayst!" Saad ng Dalaga sabay buga ng Usok na mula sa Aparato na nakasabit sa kanyang leeg. Habang nakaupo sya sa bumper ng kanyang sasakyan ay biglang dating nang lalaking naka kulay suit na itim, matangkad ito, at maganda ang pangangatawan, nagulat sya ng lumapit ito sa Magarang sasakyan na Pangit ang pagkaka park. "So sayo pala ang Sasakyang iyan? Wika ng dalaga sabay Hipak muli sa aparatong Hawak, Medyo nasamid pa ang lalaking kaharap dahik sa Usok na kanyang Ibinuga. "Yes Miss? Ehem...Ehem "Sayang naman yang sasakyan mo, Ang ganda pero mukang Bobo ang nag Park! Saad ng dalaga sabay buga ulit ng usok. "Hhaaha! So anong pinaglalaban mo Miss? Grabe ka naman, saglit lang ako nag Park wala pang 5 minutes Kung maka Bobo ka naman wagas!" "Bakit hindi Tingnan mo nga yang Park mo, tama ba yan? "Mis, Ano bang pinuputok ng butse mo? Maayos pa naman ang pag park ko ah, Kumain lang ng konti sa guhit pero di makakaapekto sa Katabing mga Sasakyan, So ano ang Kinaiinis mo? Wika ng Binata na Nagsisimula nang mangalit ang panga. "Ewan! Basta, Mali pa rin! "Bahala ka sa gusto mong Isipin! Napakalaki ng Problema mo Miss! Maganda ka sana Kaso Mukang walang magkakagusto sayo dahil sa Ugali mo! "Bakit Mister? Required ba sa Pilipinas na Pag maganda ang Mukha dapat Maganda rin ang Ugali? E yung Iba nga eh Terno, Pangit na Muka Panget pa Ugali! Atleast sakin may maganda pa kahit papano! "Woahhh.... ngayon lang ako nakasagupa ng babaeng tulad mo! "Talaga! Wala akong katulad! "Oo wala talaga unique ka Eh. "Oo naman! Dyan ka na nga! Panira ka ng Gabi nagpunta ako rito para sa Magandang Pakay pero sinira mo nakakainis ka! Pag ako minalas sa kakausapin ko kasalanan mo! "Aba at ako pa talaga? Eh yang ugali mo kaya! Simpleng problema pinalaki mo! "Tse! Bahala ka sa buhay mo! "Talagang Bahala ako sa buhay ko,! Goodluck sayo sana swertehin ka sa kakausapin mo Miss. Sunget.!" Wika pa ng binata rito. Nakasimangot na pumasok ang dalaga sa restaurant na pag tatagpuan nila ni Mayor Mavee ang kanyang BFF. "Hi Mavee, Kanina ka pa ba? "Medyo, bakit ngayon ka lang at bat nakabusangot yang nguso mo, Ayusin mo nga baka hindi ma approve yung ilalakad natin kay Congressman kapag ganyan kabusangot ang mukha mo." Saad ng mayor rito. "Oo na aayusin ko na, Wala pang Tumatanggi sa Charming ko no, panira kasi yung lalaking na encounter ko sa labas, nakaka badtrip sya. Sarap nyang Sapakin! any way maiba ako pustahan tayo mapapa OO ko yang congressman na yan, lalo na kung may edad na yung Mga matatanda na, naku isang kindat ko lang baka ma approve agad ako hehe" mayabang na wika pa ng dalaga. "Haha? Talaga lang ha? Well let us see kung mapapa OO mo si Congressman Exodus Banderas." Saad ng Mayor Nagpaalam muna ang dalaga sa Binata upang mag CR samantalang biglang dating naman ng Congressman at bumati kay mayor. "Mayor Mavee, How are you? Sorry ha, inayos ko pa kasi ang park ng sasakyan may babae kasing nag hohorimintado sa labas kanina hehe kaya ayon inayos ko muna. "Hehe ganon ba, ok lang Cong. Sya nga pala nasa Wash room lang si Lavinia, yung sinasabi ko sayo na kaibigan ko na may proposal sana." Saad ni Mayor Mavee. "Ah, Its okay sure, Ah Lavinia pala ang name ang Ganda, parang Mahinhin,Di makabasag pinggan at higit sa lahat parang Sarap pag silbihan." Nakangiting wika ni Cong. Samantalang si Mavee naman ay natatawa na lamang sa description nito. "Hahaha No Comment ako dyan Congressman" saad ni Mayor Mavee saka sila nagtawanan dalawa. Bumalik na si Lavinia sa Upuan samantalang Si Exodus naman ay kasaluluyang nasa counter at naorder ng kanilang iinumin. Pabalik na sya sa table na Okupado nila at akmang ipinakikilala na ni Mavee sa Isat isa. "Congressman Kaibigan ko si LAVINIA, Lavina, Si Congressman 1 Exodus Banderas ang May ari ng Lupang gusto mo sanang Bilhin. "Hi Nice to meet You Cong.... "IKAW?" Sabay nilang pasigaw na sabi. Hindi na naituloy ni Lavinia ang Sasabihin dahil nagkagulatan sila ni Exodus. "Haha, so sya pala si Lavinia, Mayor Mavee....Hahhaa sabi ko na sablay ako sa hulaan, E sablay lahat nang SINABi ko about sa name nya..haha" tila nanuniyang wika ng Kongresista "I...ikaw si Congressman? "Oo Ms.Sunget? Sino ba sa inaakala mo? Saad nang binatang Kongresista. Tila napipil naman ang dila ng Dalaga, ngunit nakabawi rin ito agad. "Ahm..So i Ikaw pala si Congressman Banderas? Anyway Gusto kong Formal na magpakilala at Ayoko nang magpa lihoy ligoy pa. I am Lavinia Munji, An Aesthetician and A dermatologist. "So? What do you want from me Doc Munji? Mayor Mavee set an appointment para daw ma Meet ko ang Best friend nya na may Mahalagang Pakay sa akin." Tanong ng binata habang nakahawak sa Baba at hawak ang Baso na may lamang alak. Si Mayor Mavee naman ay Tahimik lamang sa pwesto at tila nagpipigil ng tawa at nakikiramdam sa Mala Aso't Pusa na bardagulan ng Dalawa. "Ah..Uhmmm." medyo di matuloy na sasabihin ni Lavinia sa Binata. "Ano Ms.Munji? Spill the Tea! Matapang ka diba bakit di mo masabi sa akin ang Pakay mo? hehhehe, akala ko pa naman palaban ka, hahaa Hindi rin pala." Saad ng binata na talagang sinusubok ang malditang doctora. "Okay, Since gusto mo malaman diba inuulit ko, Napararito ako dahil may Kailangan ako sayo! Gusto kong magtayo ng Shop, nang Clinic, Dahil gusto ko nang mag stay for Good dito." Naka taas noong Wika ng dalaga. "So anong Kinalaman ko sa Pag stay for Good mo at pag papagawa mo ng clinic ha Ms.Munji? Saad ng binata sabay lagok sa tangan na alak. "Hmm..Simple lang Gusto kong bilhin ang pwesto sa Istvan sa May Sta.Mercedes at ang sabi Ni Mavee ay...Ay ikaw raw ang nag maay ari noon kaya ako nag pa set ng appointment sayo." Confident na wika parin ng dalaga. "Hmm..hahhaa Talagang Confident ka pa na ibebenta ko sayo iyon ha Doc Munji? "Bakit Cong. Banderas? Kung propesyonal kang tao labas na ang nangyari kanina sa labas sa usapin nating ito! "Haha..Talaga? Well Ok sabihin na nating labas, Pero pano kung ayokong ibenta ang Pwesto ko? Wala kang magagawa Doc Munji. "So Ganyan ka pala Cong. Banderas! Masyado kang namemersonal, porke hindi maganda yung first encounter natin sa parking kanina ah." "So ano bang ine expect mo Doc Munji? Matapos mo akong sabihan ng Masasakit na salita eh Makukuha mo parin ang gusto mo, hahhaa Maling tao ata napuntahan mo! Napatingin naman si Lavinia Kay Mayor Mavee na nananatiling tahimik at patay malisya lamang. Humihingi sya ng tulong dito ngunit ang painosenteng mayor ay tila pipi din. Dahil sa kamalditahan ni Lavinia ay Inapakan nya ang Paa ng mayor at napa aray ito. "Arayyy...Lavinia! "Oh..Sorry Mayor Mavz..." "So Anong Balak nyong Dalawa? "Hmm..Buo na ang desisyon ko Mayor Mavee, Hindi ko ibebenta ang lupa ko! Matigas na saad ni Congressman. Tila maiiyak sa inis na Tumayo naman si Lavinia. Hindi nya matangap na sa unang pagkakataon bukod kay Mayor Mavee ay Ni reject sya ng ibang tao. Walang iba kundi si Congressman. Sanay kasi sya na palagi napag bibigyan, na palaging nakukuha ang gusto, pero hindi sa pag kakataong ito. Tumayo ang dalaga saka sinuot ang Bag. "Well, Salamat sa Oras mo Congressman! Mayor Mavz, Mauuna na ako!" Saad ng dalaga saka Mabilis na umalis. Nakatingin sila sa papalayong dalaga. Napansin pa nila ang pag punas ng luha nito. "Hmm..Hahay May Gulay! Mukang may Aamuin na naman ako kahit wala naman akong kasalanan!" "Huh? Bakit? Don't tell me aamuin mo yung Best friend mo na yon?" "Haha..ano pa nga ba, Ganon na nga" "Grabe ah, Masyado kasing mataas yang Kaibigan mo! Alam mo sayang sya, Maganda, sexy, nasa kanya na yung tipikal na gusto ng lalaki sa isang babae pero wala eh ..Bagsak sa Ugali pre.." saad ni Exodus sabay lagok sa alak. "Hehe...Hmm..I know Na Maldita si Lavinia Pare, pero hindi naman lahat eh masama sa kanya. Wala nga lang filter ang bibig pero pag nakilala mo sya ng husto eh don mo masasabi na Okay din naman pala sya." "Hmm..Sya naman kasi nanguna Pre, Galit na galit gusto manakit sa parking palang, wala naman akong ginagawang masama, Ayoko na sana patulan pero grabe pare. "Hahaha ganyang lang sya talaga, Pero sinasabi ko sayo pre, Mabait yon hindi lang halata dahil maldita talaga." "Ganon ba? Okay baka sabihin mo naman na napaka sama kong kaibigan at kasamahan, Kaya pag iisipan ko yung pwesto. Pero sabihan mo yang BFF mo na umayos sya ng pakitungo sa akin, Sya tong may pangangailaangan pero ako yung nag a adjust. "Hahaa..Okay Copy, Sige papa apology ko sya sayo haha, Paluluhurin mo ba Cong.? Hahaha pag nagkataon first time ko syang makikitang Nakikiusap at nakaluhod haha sanay kasi yan na Nakukuha lahat ng gusto, ikaw lamang ang makapag papasunod sa kanya kung sakali hehe. "Ganon ba? Haha so talagang maldita pala sya." Well basta sabihin mo nalang na pag iisipan ko kamo. "Saka don't worry Di ko sya Paluluhurin, Baka sa ibang bagay ko sya mapaluhod pag nag kataon" saad ng binata at hinagisan naman sya ng tissue ni Mayor. "Siraulo ka Cong, Kaibigan ko parin yon hehe." "Alam ko, kaya nga Diba binibigyan ko parin ng chance." "Hmm..Okay..pag bibigyan mo rin pala, pinaiyak mo pa., Hahay." "Eh sya naman kasi eh, Masyadong matalas ang bibig." "Haha..kow ganon talaga yon, So pano, Mauna ma ako, Susundan ko pa yun kung saang lupalop nag punta." "Okay Pre, Ingat, kaw na bahala sa kanya." Mauna na rin ako, May Race pa kami eh." "Race? Gabi na ah race parin cong.?" "Yep hehe..9pm.nan start ng race kaya abot na abot pa. "Okay Cong, ingat ka ha..Ikaw na talaga, Congresista sa Umaga, Karerista sa gabi hehe." "Okay pre, Salamat ingat din." Pagkatapos noon ay nagpaalaman na rin sila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.5K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.5K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook