LAVINIA
Pagkaalis mi Ex sa Presinto ay Ipinasok na ako sa Rehas. Wala akong nagawa kundi lumuha. Matapang ako pero bat ang weak ko sa part na to. Hindi ko ito napaghandaan. Takot na takot ako, h7manap lamang ako ng pwesto sa gilid. Kita ko pang nakatingin sa akin ang mga kasama ko sa kulungan, nakakatakot sila, Para silang yung napapanood mo sa TV na bigla ka nalang Kukursunadahin at pag tutulungan sa loob.
"Hmm..Mukang Mayaman ang Isang To ah.. At Mukang Sariwa" saad mg isang boses na syang nagpatayo ng balahibo ko
"Dimayuga manahimik ka!
"Joke lang Mayora! Saad naman ng babaeng nagsalita kanina
Maya maya ay lumapit sa akin ang tinawag nilang mayora.
"Ahm..Kumusta ako nga pala si OSANG., Mainit dyan sa Pwesto mo, pwede ka dion sa may bandang pwesto ko, Hwag lang mag alala mga muka lang kaming SALBAHE rito, pero di naman." Saad nito sa akin.
Sumunod na rin ako , ayoko tumanggi kaya nakisama na rin ako, kahit papano kasi ay may Fan na di clip sa pwesto ni Mayora Osang.
"Salamat po Mayora" saad ko rito.
"Ano palang kaso mo?
"Idenimanda ako ng ilang naging customer ko, Hindi ko po alam bat nagkaganon. Matagal ko na pong ginagawa ang trabaho ko, at may mga legit customer na ako na bumabalik balik talaga sa akin, kaya po nagulat ako na yung isang beses palang nag avail ng service ko, Sila pa yung nag demanda.
"Hmm.. Hindi kaya may Nakagalit kang Tao? Na gusto kang Siraan, Kung alam mong wala kang nalabag at tama ang proseso, pero bigla nalang may nag reklamo.
"Sa sinabing iyon ni Mayora Osang ay Napaisip ako, Hindi kaya si ..Si Becca ang may pakana? Pero pano? Bat may magpapauto kay Becca at papayag na masira ang mukha masiraan lang ako." Napabuntong hininga na lamang din ako.
Nang gabi na ay binigyan ako ng Espasyo ni Mayora para makahiga. Mabait naman si Mayora mukang astigin lang talaga.
"Mayora, ano pong kaso nyo.?
"Robbery with Homecide, Nagnakaw kasi Ako dahil nasa Hospital ang nanay ko ayaw kami tanggapin at wala daw kami pang Deposit. Nakiusap ako sinabi ko na babalik ako at kukuha lang ng Pera.
Kaya pumunta ako sa Isang matandang kilala ko na lalapitan ko sana, Pero ayaw kaya pinilit ko syang ilabas ang pera nilabas ko ang patalik ko, ang kaso sa takot ng matanda inatake at Namatay. May CCtv pala ang bahay kaya yon. Nahuli ako at nakulong."
"Pero kumusta ang nanay nyo?"
"Ok na si Nanay malakas pa naman, pero hindi alam ni Nanay na nakakulong ako, pinasabi ko lang sa mga kapatid ko na kapag hinanap ako, sabihin nilang nagtratrabaho.
Mahal na Mahal ko Si Nanay, Ayoko syang nag aalala sa akin, Kaya kapag Pasko talagang sumasideline ako ng pagkakakitaan dito sa loob, mga lagbgagawa ng mga pang display, para may maipadala kay Nanay" Sa kwentong iyon ni Mayora ay naluha naman ako.
Isang araw ang lumipas ngunit Hindi nagpakita sa akin si Exodus. Bigla naman akong nalungkot, Napansin naman iyon nila Mayora Osang. Pero sinabi ko na lamang na na mimis ko na ang mga magulang ko kaya malungkot ako.
SAMANTALA
EXODUS
Kinabukasan ay nakatangap ako ng Tawag mula Kay Becca, Inaaya nya ako na magkita kami kaya pumayag na ako.
"Bakit Becca? Anong kailangan mo? Tanong ko rito.
"Hmm..Baligtad ata My Dear? dahil ikaw ang may kailangan sa akin." Saad nito saka humalakhak.
"Balita ko NAKAkULONG daw ang Mahal mong Nobya, Haha Totoo ba?
Saad nito sa akin
"May kinalalam ka ba Ha Becca?
"Hmm..Wala akong kinalaman, Pero pwede kita tulungan na makalaya agad si Lavinia, pero may Condition syempre.
"Ano yon?
"Syempre, Yung usapan natin na Magpapaka ama ka sa Anak ko. At Aakto tayong magkasintahan ulit, Alam mo na iwas issue sa labas."
"Sige! Pumapayag na ako pero sa Labas lang! At isa pa wala ka paring karapatan na pang himasukan ang buhay ko,
"Okay pwede na ako don, basta sasamahan mo ako sa labas, Sa harap ng madla ay sweet tayo,okay"
Ayoko nang magtagal pa ng ilang araw sa piit si Lavinia kaya pumayag na ako sa Deal ni Becca.
Sa ikatlong araw ay pumunta ako sa Presinto, Nakita ko si Doc Lavinia, Nakasuot ito ng Orange na Damit, Isang araw ko lang sya di nasilayan ngunit mis ko na sya agad. Napakaganda parin nya kahit wala syang make up."
Hindi ko alam kung anong magiging reaction nya kapag nalaman nya ang ginawa ko. But i don't have a choice. Hindi ko na kayang makita sya sa loob ng piitan. Kaya kinagat ko na ang pain ni Becca.
3RD PERSON POV
"Lavinia Munji, Laya kana" saad ng pulis na nagpasaya sa Dalaga.
"Mayora, makakalabas na ako"
"Ingat ka Doctora,"
"Salamat, Dadalawin ko kayo minsan."
"Mayora, Sana makalabas ka na rin, Sana ma grant ang parol mo"
Saad ng Doctora saka nag paalam sa mga naging kasamahan sa loob ng kulungan.
Pag labas nya ay nakita nya ang kasintahang si Exodus.
Niyakap nya ito ng mahigpit, yumakap din ito sa kanya ngunit iba sa inaasahan nyang Yakap, pagkatapos noon ay inilayo agad nito ang sarili, Inamoy nya pa amg sarili nya kung mabaho ba sya bakit parang biglang umilap si Exodus sa kanya.
"Sa..Salamat Hon, Nakalabas na ako."
"Walang ano man Lavinia" saad ng binata, Ganon na lamang ang pagtataka ng dalaga ng tawagin sya nito sa pangalan na lamang, at pansin nya rin na tila umiiwas ito
Hindi na lamang sya Kumibo, pansin nya rin ang malalim na mata ng Nobyo,
Marahil ay pagod lamang ito sa pag aasikaso ng paglaya nya.
Ngunit nang sasakay na Sana sya ng sa passenger seat ay laking gulat nya ng sa Back seat sya ipinagbukas ni Ex ng Pinto.
Tumingin sya rito ngunit hindi ito makatingin sa kanya. Wala syang nagawa kundi sumunod na lamang.
Laking gulat nya ng makita si Becca sa Tabi ng Driver seat.
"Hi Lavinia, Kumusta? Masarap ba sa loob ng Kulungan?" Saad nito
"Be..Becca?
"Yes I Am! hehehehe, Nagkabalikan na kami ni Exodus"
"Becca Stop it! Saway ng Binata kay Becca
"E..Ex..totoo ba?
Imbes na sumagot ay nag drive na lamang ito.
Tahimik lamang sila hangang sa maihatid sya ng binata sa kanilang bahay. Wala sya ni isang nakuhang sagot dito.
Agad na pumasok ang dalaga sa bahay at doon sya umiyak. Noon nya lang napagtagni tagni ang lahat. Marahil ay nakipag ayos si Exodus kay Becca para sa kalayaan nya.
Sa kwarto lamang sya buong araw. Maga na ang mata nya kaiiyak.
Nagulat sya ng mayag Doorbel at ng buksan nya ay nakita nya walang iba kundi ang binata.
"Agad sya nitong Niyakap, yakap na may pagkasabik, malayong malayo sa yakap nito sa Presinto kanina.
"I'm sorry Hon, patawarin mo ako." Saad pa nito.
"Totoo bang nagkabalika kayo ni Becca."
"Hindi Hon, pero Pumayag ako sa Deal nya, wala na akong Choice, ayaw kitang makita pa sa loob ng kulungan, kinumbinsi nyang iurong ang demanda ng mga naghabla sayo, Kaya nakalaya ka, ang kapalit noon ay ang pag papangap namin sa harap ng tao at pag ako sa pagiging ama ng Anak nya. Pero hangang doon lang yon, Dahil yon ang deal nya sa akin.
"Pero, Paano tayo?
"Sinabi ko sa kanya na di nya pwedeng pasukin ang relasyon nating dalawa. Ikaw lang ang mahal ko, sa harap lang ng tao ako aarte, pero wala syang pakialam sa sarili kong buhay." Dagdag pa ng binata habang hawak sa pisngi ang dalaga.
"Wala naman tayong magagawa, ginawa mo yon para sa kalayaan ko,"
Saad ng dalaga.
Maya maya lamang ay tumunog ang Cp ng binata ng sagutin nya ito ay walang iba kundi si Becca.
"Hello! Nasan ka, Kailangan kita May pupuntahan akong OB kailangan mo ko samahan."
"Sige Na Sige na, Pabalik na ako!" Saad ni Exodus, Sa makatuwid ay naging sunud sunuran sya kay Becca.
"Hon, pano tutuloy na muna ako, Babalik ako mamaya."
"Sige Hon, Hihintayin kita." Saad naman ng dalaga saka muling yumakap.
Nang makarating naman sa Condo ni Becca ang binata laking gulat nya ng may mga Press, at kasunod noon ay si Becca.
"Gusto ko lang formal na sabihin sa inyo, Na Sya ang ama ng aking dinadala, no other than Congressman Exodus Banderas." Saad ni Becca. Nag palakpakan naman ang ibang na roon ngunit blanko ang Mukha ni Exodus. Nakatutok sa kanya ang Camera at Malungkot sya na tumitig roon. Sa isang banda ay napapanood ni Lavinia ang Biglaang presscon ni Becca ang formal na ihayag si Exodus sa madla bilang Ama di umano ng dinadala nito. Kita nya ang lungkot sa mukha ng binata, hinaplos nya ang mukhang iyon kahit na nasa Television.
"Nang dahil sa Akin, Relasyon natin ang na sakripisyo, " uniiyak na wika nito.
Saamantala..
LAVINIA
Matapos ang Balita na iyon ay kabi kabilang tawag sa akin.
Unang tumawag si Mama.
"Lavinia! Ano itong nabalitaan ko na nakabuntis si Exodus, Yung modelong si Becca pa. Aba Lavinia! Hindi kita pinalaki para maging isang Kerida! ."
Hiwalayan mo ang lalaking yan! Medyo hysterical na wika ni mama sa kabilang linya.
"Mom, can i explain? Mom hindi po yon anak ni Exodus, Wala lamang syang choice kaya nakipag Deal sya kay Becca para sa kalayaan ko."
"What anong kalayaan?
"Mama, Nakulong po ako ng 3 araw." Saad ko kasunod ang pag hagulhol.
"What! Bakit anong reason?
"Nagreklamo po kasi yung customer ko, Nabakbak at nagkasugat ang Mukha, pero Mom alam kong maayos ang Trabaho ko at Tama ang formula ko, Wala akong kasalanan pero dinemanda ako at Ikinulong. Kalalabas ko lamang po kahapon ika 3 araw ko po, Kung hindi siguro kay Exodus baka nakapiit parin ako hangang ngayon."
"Anak, Bumalik kana lamang kaya rito sa America. Dito ka na lang magpatuloy ng clinic."
"No Mom, Ayos na naman po ako, dito lang po ako."
"Hays..Mahal na mahal mo talaga ang nobyo mo at di mo maiwan iwan, Basta kung gusto mo bumalik,magsabi ka lamah anak. Nag Alalala kami ng Dad mo sayo.
"Thank you Mom, But don't worry po, I'm okay.
"Okay Anak, Basta kapag MASAKIT NA, BITAW NA ha, Hindi na Worth it Mag mahal kapag Sobrang Sakit na." Dagdag pa ni Mama sa kabilang linya
Matapos ang aming pag uusap ay inayos ko ang aking sarili. Pumunta ako sa Clinic at Naabutan ko sila Ate Karylle at Ate jennie na nag aayos at nag pupunas na lamang.
"Doc, Kumusta, Mabuti at nakalabas ka na."
"Okay lang naman ate, nilabas ako ni Ex sa kulungan, Kayo kumusta kayo dito?"
"Ok lang naman kami, Pero...pero itong clinic medyo hindi ok sa ngayon, dalawang araw na kasi tayong walang customer Doc. Simula nung pumutok ang issue eh wala nang gusto ng serbisyo natin. Saka pati yung advance booking natin, Bale Kinancel din ng mga customer." Malungkot na wika ni Ate Karylle.
Napabuntong hininga naman ako. Wala naman akong magagawa. Sinira nila ang Kridibilidad ko bilang isang doctor."
"Ahm..Ate ibibigay ko na muna ang sweldo nyo. Magpahina na rin siguro muna kayo. Kapag lumakas na ulit ang clinic ay tatawagan ko kayo ulit."
"Sige Doc, basta pag kailangan mo andito lamang kami sa tabi nyo doc, Alam naming mahusay kayo at ganon ka Dedicate sa trabaho kaya di kami naniniwala sa ibinibintang sa inyo." Saad ni Ate karylle habang naluluha.
"Salamat mga Ate, Wala eh,ganon ata talaga, kapag namumunga ka, babatuhin ka talaga."
"Doc, mag iingat kayo rito ha."
"Salamat ate Jennie."
Nang mga sumunod na araw ay ako na lamang ang tao sa clinic. Halos maiyak ako dahil sa pangyayari na di ko naman ginawa ay nadamay pati ang Klinika.
Nagsagawa ako ng sarili kong imbistigasyon. Kumuha ako ng magaling na Asset para kumuha ng balita sa mga nagreklamong customer sa akin.
Naniniwala ako na may Foul sa nangyari.
Bihira kami magkita ni Ex, Dahil ang walanghiyang si Becca gusto lagi kasama ito, Kita ko sa mukha ni Exodus na na i stress na rin sya., ayoko na lamang dagdagan pa.
Isang hapon ay naghanda ako ng paborito nyang pagkain. Ini expect kong darating sya ng alas Syete, Inisip kong baka ma late sya at Baka dumating ng Alas Otso ngunit ni anino nya eh wala pa. Sinubukan ko syang tawagan ngunit cannot be reach."
Hangang sa abutin na pala ako ng Alas Onse sa table kahihintay, Halos makalahati ko na rin ang Wine na dapat ay pagsasaluhan naming dalawa, pero ni anino nya ay wala. Naiiyak ako habang tinitingnan ang mga hinanda kong pagkain para sa kanya.
Akma ko nang ililigpit ang mga ito. Nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa sya. Agad syang tumakbo at sinunggaban ako ng yakap at Doon naman ay di ko na napigilan ang umiyak.
"I'm Sorry Hon, I'm Sorry, Ginagawa ko naman ang lahat para makauwi sayo on time pero kulang parin, hindi parin ako umabot, Sorr honey." Saad nya sa akin.
Nanatili lamang akong lumuluha. Pinunas nya naman iyon ng kanyang kamay.
"Naiintindihan ko naman na nabaligtad na ang sitwasyon natin, Ako na ang nanghihiram ng oras Mo, Ako na ang mas kailangang mag hintay pero Okay lang ako din naman ang reason." Saad ko rito.
"Shhh...This too shall pass Hon, Babalik rin tayo sa Dati, Sa ngayon kailangan ko munang sumabay sa agos, Pero Hwag ka mag alala matatapos rin ito Mahal ko hmm"
"Okay Hon, Don't worry, kaya ko pa," saad ko saka hinawakan sya sa Mukha
"Hmm..Nag Wine ka Hon, halos maubos mo na ang kalahati, Pwede bang kainin ko ang mga niluto mo Hon."
"Oo naman, para sayo naman yan, lilikumin ko na sana akala ko kasi di kana darating."
"Darating ako Hon, Late man ako pero darating at darating ako," saad nya pa sa akin.
Huli man ang kanyang pagdating ay kinain nya ang mga niluto ko para sa kanya. Pansin ko rin ang pagbagsak ng katawan nya. Alam kong pagod na pagod na sya pero kinakaya nya para sa akin.
Matapos nya kumain ay tumambay muna kami sa may Sofa. Sinulit namin ang gabing iyon, Nag kwentuhan kami ng mga bagay bagay na nangyari samin this few days.
Pansin ko na inaantok na sya at nilalabanan lang ang antok dahil kausap nya ako. Inaya ko na sya sa kwarto ng nasa kwarto na kami ay pinadapa ko sya.
Minasahe ko sta hangang sa makatulog sya.
"Thank you Hon, Mahal na Mahal kita."
"I love You too Hon" saad ko habang patuloy syang minamasahe.
Nang makatulog na sya ay kinintalan ko pa sya ng halik. At hinaplos ang kanyamg ulo saka ako tumabi sa kanya.
EXODUS
Nakatulugan ko na ang pag mamasahe sa akin ni Doc, Sa sobrang stress at pagod ko hindi ko na sya nabibigyan ng sapat na oras. Himbing na himbing ang tulog nya, Palihim ko syang pinababantayan dahil wala na syang kasama sa Clinic, ayokong mapahamak sya lalo nat wala na syangga kasama. Hinaplos ko ang kanyang mukha dahil sobrang mis ko sya.
Lumipat ako ng pwesto at humilig ako sa may puson nya, parang payapa ako sa pwesto kong iyon, kaya ang pwesto ng katawan ko ay nasa pagitan ng mga hita nya.
Nagising ako ng maramdaman ang pag kilos nya.
"Hon, anong ginagawa mo dyan bat nakasubsob ka dyan sa puson ko.
"Hmm..Wala hon, Pakiramdam ko lang payapa ako sa pwesto na yan., Saka binulungan ko sana mag Kalaman na hehe"
"Hmmm..Ganon ba..Gano kana katagal dyan."
"Kanina pang madalin araw, ang sarap kasi sa ibabaw mo Hon, Pakiramdam ko panatag ako.
"Ganon ba, Hmm e di dyan ka muna hehe" saad nya sa akin.
Nanatili ako sa ganong pwesto habang sya naman any hinihaplos ang ulo ko, lalo tuloy akong inaantok pa.
"Hmm..Hon anong oras ka pupunta kay Becca?" Tanong nya habang patuloy sa ginagawa.
"Hmm..Bahala sya, Di muna ako mag paparamdam ngayong araw, pinatay ko ang phone ko hon, Basta Dito muna ako sayo Maghapon Magdamag hehe."
"Ikaw ang bahala hon," saad nya sa akin habang nakangiti.
Na mis ko ang ngiting iyon na ilang araw kong di nakita. Sa ngayon ay susulitin namin ni Doc ang araw. Bahala na muna si Becca, Bahala sya sa gusto nyang gawin. sinabi ko naman sa kanya na di nya pwede panghimasukan ang personal kong buhay! Dahil Baligtarin man nag Mundo Kay Doc lang ako Uuwi at Sa Piling lang ni Doc ang Kapayapaan ng Puso at Isip ko.