LAVINIA
Pansin ko ang pagiging Sweet sa akin ni Doc, palagi syang may Good Morning na bati sa akin everyday. Ganon din sa pag papasalubong ng kung ano ano.
Kasalukuyan akong Busy sa pag wa wax ng aking customer. Mga amiga ito ni Tita Pow. Ang iba ay si Ate Karylle at Ate Jennie na ang tumrabaho. Mabuti at tapos na. Nagulat ako ng may biglang kumatok na Mag ina. Nakasuot pa ang mga ito ng pang bukid, sa sapantaha ko ay galing pa sila sa bukiran. Agad kong binuksan ang pinto at nakita ko ang bata na tila na umiiyak at naka yakap sa nanay niya.
"Mam doctora, parang awa nyo na po, baka ma fi first aid dan nyo po ang anak ko, nabanlian ho kasi ng mainit na kape." Saad ng ginang na halos umiiyak.
"Po? Pwede ko po bang makita?
Saad ko at agad namang ipinakita ng nanay ang binti mg may banli.
Agad kong pinapasok ang mag ina, binuhat ko ang bata saka ko dinala sa may likod ng Clinic kumuha ako ng upuan saka ko pinaupo ang bata sa upuang bamgkito.
Binuksan ko ang hose saka ko itinutok sa affected areas na nabanlian.
"Baby tahan na ha, Hwag na umiyak, hindi naman ito masakit." Saad ko at tumango naman ang bata.
Nay, hayaan nyo lang pong mabasa until 10-20 mins po.
"Salamat po Doctora."
"Wala pong anuman, Kumain na po ba kayo?
"Hi.hindi pa nga po, Nagdala lamang ho kami ng kape sa Mister ko,
Wala pa ho kasing Sweldo kaya kape lang ho muna sana kami, kaya lang po ganito pa po ang nangyari."
Dahil may pagkain namang kaming ini stock sa Clinic ay pinakain ko ang mag ina. Nalaman ko na 3 pala ang anak ni Ate, nag aaral ang dalawa at etong bunso ang kasa kasama nya sa bahay at kapag maghahatid ng pagkain sa bukid.
"Kung ganon ate medyo malapit lang kayo rito?
"Medyo malapit po halos malapit lang ho rito ang Sinasaka ng asawa ko.
"Ahm..kung gusto mo ate, pwede kang sumideline sa akin. Pwede kang magwalis at mag linis dito sa loob at labas ng clinic.kahit 3 x a week, kung ok lang naman sa iyo.
"Ta..talaga ho Doc?
"Yup, kung gusto nyo po,
"Naku maraming salamat doc, malaking tulong po iyan sa amin. Kahit papano ay matutulungan ko na ang mister ko, Para kahit po papano ay di na ho kami kakapusin, madalas ho kasi ay wala na ho kaming makain ilang araw pa bagoag sweldo. Kung magkakaron po ako ng sideline sa inyo kahit papaano ay makakapag budget na po ako ng pagkain namin sa mga araw na naghihintay palang ng sahod.
"Ikaw po ang bahala ate, basta kailangan namin ng katuwang rito sa pag lilinis." Nakangiting wika ko
"Go po ako dyan Doc, basta po pwede kong isama itong si Debbie."
"Wala pong problema" nakangiting wika ko rito.
Matapos itapat sa running water ay binalot ko ng cling wrap ang nabanlian, mabuti na lamang at mild lamang ito, binigyan ko rin ito ng gamot.
Bago umuwi ang mag ina ay inabutan ko rin ito ng Tatlong daang piso. At labis ang tuwa ni ate Karing.
Masaya ang pakiramdam ko nang araw na iyon, isa na namang realization ang nagpamulat sa akin. Napakarami ko palang dapat ipagpasalamat sa Dyos. Dalangin kong mag tuloy tuloy pa ang pagpalala upang ma share ko rin sa iba.
Nasa ganong pag iisip ako ng isang bisig ang yumakap mula sa likod ko. Na halos ikinagulat ko pa
"Ay..tit!ng Gala manyakis ng taon!" Gulat na sabi ko
"Ang harsh mo talaga sa akin Lavz."
Nakangiting Wika ni Gago.
"Eh basta basta ka kasi nanggugulat"
"Hehe...Nagiging nerbyosa kana kaka Kape mo Lavs"
"Tse, Hilig mo lang talaga ako gulatin"
"Hmm..Sorry Na...may pasalubong pala ako Lavz," saad nya sa akin sabay ngiti ng nakakaloko.
"Ano na naman yon Banderas!"
"Hmm..Mabuhok..masarap, Pero masasarap parin yung sakin syempre hehe." Saad ni Ex na labas ang mapuputing ngipin habang nakangiti.
"Hmm..Ano yan ..So Trivia muna pala bago mo ibigay sa akin Ex."
"Heto na..Napaka ikli talaga ng pasensya mo lavz .Heto na ang mainit init na ITLOG kong dala." Saad nya sabay abot nya sa akin ng 5 mainit init pang balot.
"Wow Balot mainit init pa, Thank you Ex ha, mis ko na ring kumain nito."
"Hmm..buti yan na mimis mo pano naman yung sa akin lavz, Mainit init din naman yon bat parang di mo na mimis.?" Saad nya sa akin na akala mo batang nagtatampo.
"Hoy Banderas, ako tigil tigilan mo, lumalandi kana naman, mamaya mahulog na naman ako sa paganyan ganyan mo."
"Hehe..Ok lavz..Halika na...Magkainan na ulit tayo...Ahm I mean, kainin na natin habang mainit pa hehe."
"Okay Halika na Ex, Kainin ko na yang Balot mo."
Saad ko saka ko sya kinindatan. Kinilig naman si Gago at may pakagat at pabasang labi pa.
Habang kumakain kami ay na ikwento ko sa kanya ang mag ina na nagpunta ritom
kanina, pero bago yon ay syempre pinagtripan ko muna sya.
"Ex, May pumunta palang babae rito kanina? Saad ko na kunwari ay biglang sumeryoso.
"Babae? Sino raw? Seryoso naman tanong nya.
"Hinahanap ka Ex, May kasamang bata yung babae mga tatlong taon siguro yung bata Ex."
"Oh? Sino daw at ano daw ang kailangan?
"Hmm..noong una ayaw nya sabihin, Pero napansin kong kamukha mo yung bata Ex. Tapos kinulit ko nong huli. Ayon sinabi rin, Hihingi daw ng sustento. Anak mo raw yung bata." Saad ko pa rito na kunwari ay biglang nalungkot.
"What? Teka Sigurado ka ba?
"Oo Ex, sabi nung babae."
"Hmm..imposible dahil wala naman aking naging babae kundi yung mga naging Nobya ko lang. At yung mga naging Ex ko is may kanya kanya nang buhay except kay Beccah na nasa London na isang modelo. Aside from that wala na akong naging ibang babae na naka Alam mo na." Saad nya.
"Model ang Ex mo?"
"Yeah, Si Becca... Becca Alonzo, pero kilala na sya ngayon bilang Becca NahMan.
"Ex mo si BECCA NAHMAN?
sikat na modelo nga yon." Saad ko kay Ex.
"Yup, Ininvite nya nga ako dahil may Show daw sila sa Singapore."
Sa sinabing iyon ni Ex, parang nakadama ako ng Selos.
Lintik na iyan dahil sa kalokohan ko ako tuloy ang nasasaktan.
"So...may Communication parin kayong dalawa?
"Ahm..Yup? I mean yes dahil maayos naman kaming nag hiwalay. And we're friends." Saad pa nito.
Tinuloy ko na lang ang pagkain ng balot, nang makakain ako ng dalawa ay tumigil na ako." Napansin naman yata ni Ex na parang nawalan ako ng gana.
"Ahm..Ayaw mo na Agad? Lavz? Akala ko favorite mo ito?"
"Okay na naka dalawa na ako, Okay na yon" saad ko saka ako uminom ng tubig at inayos ang pinagkainan ko. Napansin naman ni Ex na tila nag iba ang timpla ko.
"Lavz? Teka... We're okay naman diba.?"
"Yeah.. Why?
"Ahm wala naman para kasing nag iba yung mood mo, Ahm pwede mo bang i describe sakin yung babae na nakita mo?
Tanong nya
"Wala! Joke lang yon saad ko rito in a serious way.
"Ah..So Wala talagang naghahanap sa akin?
"Wala nga joke nga lang diba."
"Ok teka eh bat parang ikaw pa ang galit Honey hehe."
"Hindi ah, atleast nalaman ko na may Communication ka pa pala kay Becca hehe
"Hmm..Teka lang..nag seselos ka ba kay Becca honey?
Nakangiting tanong nya sa akin.
"Haha ako? Bat naman ako mag seselos sa Ex mong Modelo?
"Hmm..Wala lang natanong ko lang naman."
"Hindi no, Bat naman ako mag seselos, Eh Di naman kita Boyfriend, at isa pa di rin naman Kita Mahal." Saad ko,
Bigla kong nakita ang pagbabago ng expression ng kanyang mukha. Pansin ko ang paglunok ng kanyang lalaugan saka tumingin sa ibang bagay at natahimik bigla. Hindi ko rin kasi alam bakit lumabas yun sa bibig ko, Gusto ko lang naman din syang asarin pero bakit ako yung nasasaktan sa nakikita ko sa kanya.
"Ah.. I mean....Di naman kita..
"Shhhh...Hehe Tama na Lavz Masyado ng Masakit, Ok na..sinabi mo na diba, Ok na ako don No Worries..Ahm alam ko naman na di mo ko magagawang mahalin, and Its okay.
"Hindi, Ang ibig kong sabihin ...
"Tama na Lavz, Ok na nga diba hehe"
Nang sabihin nya yon ay di na ako nagsalita pa. Tahimik lamang ako. Nang maubos nya ang balot ay inaya nya na akong umuwi.
"Halika na Lavz, Para makapag pahinga ka na, May pasok pa kayo bukas.
Iwasan mong mag puyat ha.
Saka hwag mong pababayaan ang sarili mo. Palagi kang mag iingat.
Dahil sa sinasabi nya ay tila para syang nag papaalam sa akin.
"Bakit ang dami mong Bilin? Aalis kaba? Or Lalayuan mo na ako."
"Hmm..Bakit yun ba yung gusto mo Lavz?
"Hindi, Okay naman tayo eh, bakit may ganyan?
"Wala lang naisip ko lang na baka masyado na akong nakaka destruct sayo,
Kaya kung gusto mo eh di ako na yung lalayo."
"Bakit? Pinalalayo ba kita?
"Hindi nga, pero basta sabihin mo agad kung medyo nakakagulo na ako Lavz alam mo naman na Gusto ko palagi kang Okay kaya sabihin mo sa akin ha."
Halika na gabi na" sabay aya nya pauwi.
Sumunod na lamang ako, Hindi ko na tuloy na i kwento sa kanya ang pag hired ko kay ate Karing dahil sa nangyaring usapan namin.
Medyo na guilty ako, kasi dapat ay pag tritripan ko lang naman sya, pero mali yata dahil nagkasakitan kaming dalawa .
I admit na kasalanan ko, pero gusto ko magpaliwanag kaya lang ayaw nya naman na ako pakinggan kaya di ko na ipinilit pa.
Pagdating sa bahay ay hinatid nya pa ako sa Gate.
"Goodnight Lavz, Take Care always."
"Good night din Ex, Ikaw rin, ingat sa byahe." Pagkasabi ko noon ay laking gulat ko ng halikan nya ako sa noo, saka sya ngumiti ng bahagya sa akin, ngiti na tila may lungkot.
Samantala
EXODUS
Okay namna ang usapan namin nung una at nag aasaran pa, hangang sa mapunta sa usapan ng EX, sinabi ko lang naman talaga yung Totoo, Hindi ko alam bigla nag iba ang timpla nya, kaya bilang biro ay tinanong ko kung nagseselos sya, pero sumagot sya ng Hindi kasi Di naman nya ako boyfriend which is true naman. Pero yung sa sinabi nya na di rin naman nya ako Mahal doon ako medyo nasaktan. Alam ko naman yon pero mas masakit pala pag sa bibig at sa misming tao na mahal mo pa talaga nanggaling.
Medyo nalungkot ako, pero sinikap ko paring ngumiti dahil ayoko syang mag alala.
May gusto pa syang sabihin pero inawat ko na, sinabi kung Okay na.
Dahil ayokonna magkahaba pa kaming dalwa. Hinatid ko na sya ng maglaon.
Siguro ay mag la lie low muna ako sa kanya. Ayoko na muna syang guluhin, baka kasi yun ang sunod na marinig ko sa kanya ang layuan ko sya kaya siguro ay sisimulan ko na muna lumayo.
Kaya nang gabing hinatid ko sya ay hinalikan ko sya sa Noo,.
Hindi ko alam kung Goodbye kiss naba ito oh ano.
Saka ako nagpaalam sa kanya.
Hindi naman nagbabago ang pagtingin ko sa kanya, pero tulad nga ng sabi ko, ayoko maging sagabal sa kanya kaya di ko na muna sya guguluhin.
Kaya kinabukasan ay di na ako dumaan sa clinic nya, Hindi rin muna ako nang message sa kanya dahil tulad ng sabi ko, hahayaan ko muna sya.
Ganyan ko sya kamahal, Siguro kapag di ko matiis na di sya makita baka tingnan ko na lamang sya sa malayo at least masilayan ko lamang ang kanyang mukha. Wala eh...Hulog na hulog ako sa kanya, pero kailangan ko din gawin ito dahil ayoko na may mga bagay na di sya magagawa dahil lang sa akin.
Sa isang banda, Di ko rin maiwasan na itanong sa sarili ko kung Naiisip nya rin kaya ako? Ma mi miss nya rin kaya ako?
Well, sya lamang ang makakasagot nyan, Wala akong karapatan diktahan at pangunahan ang puso nya.
Pero sana, Sana kahit konti maramdaman nya naman ang pag mamahal ko sa kanya...Sana..