Ano na kayang nangyayari sa loob ng opisina ni Roman? Iyan ang naiisip-isip ni Blair habang nakatitig sa nakasarado nitong pinto. Maya maya pa, nagkaroon ng katahimikan sa loob. Tapos bigla ba namang tumawa si Roman ng napakalakas. Mas lalo tuloy niyang gustong usisain ang pangyayari sa pagitan ng dalawa. Ilang minuto pa ay lumabas na si Jessica. Nakabusangot ito at padabog na naglakad papalabas. Mukhang hindi maganda ang nangyari. “Goodnight, Mrs. Kingston,” magalang na bati ni Blair, kahit na hindi man ito tumingin pabalik. Pinanood niya ang likuran ni Jessica bago narinig ang boses ni Roman. “The only Mrs. Kingston is my mother.” Mabilis na tumingin pabalik si Blair sa boss nito. Si Jessica naman, tumigil sa paglakad at lumingon na. “Kung ipipilit mo na gamitin ang apelyido k

