bc

In Bed With Her Shithead Boss

book_age18+
233
FOLLOW
2.0K
READ
second chance
heir/heiress
office/work place
cheating
assistant
like
intro-logo
Blurb

Tatlong Kuwento sa iisang nobela. Basahin ang tungkol sa magkakapatid na Warner—Sutton,

Blair, at Keira.

In Bed With Her Arrogant Boss – Pag-uwi ni Blair ay nadatnan niya ang kaniyang fiancé na nakahiga sa kama

kasama ang pinsan niyang si Laura. Ngunit hindi niya hinayaan na ang pangyayaring ito ay

tuluyang sumira sa kaniyang buhay. Matatag, may kakayahan at determinado – iyan si Blair

Warner. Ang hindi lang niya inaasahan, nalasing siya isang gabi at napunta sa kama ng

mapanganib at mapang-akit niyang boss na si Roman!

Isang gabi lang. Hindi na ulit mangyayari. Iyang ang pangako ni Blair sa sarili.

Subalit napagtanto niya kung gaano kahirap lumayo. Dahil si Roman Kingston ay isang lalaking

hindi basta basta na lamang bibitaw. Sa oras na nakapagdesisyon siyang angkinin ang dalaga,

wala ng ibang makakapigil rito. Ang isang gabi ay hindi sapat. Nanasain ni Roman na

mapasakaniya ito ng buong buo. At wala siyang balak na pakawalan siya.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Sa wakas at nakauwi na rin. Nakahinga ng maluwag si Blair nang pumasok siya sa pinto. Nitong mga nakaraang araw kasi, hindi niya maintindihan ang kaniyang boss na si Roman. Utos dito, utos doon. Halos wala silang naging pahinga! Mabuti na lamang at nakauwi siya ng mas maaga ng isang araw. Iyon na siguro ang pinakamagandang nangyari sa linggong ito. Sa totoo niyan, akala niyang balik-opisina sila agad. Ngunit nang ihatid siya nito, binigyan siya ni Roman ng natitirang oras sa hapon para makapagpahinga. Posibleng napansin nito na pareho silang pagod. Sino ba namang hindi mapapagod? Nitong nagdaang araw, waring naglalakad sa manipis na yelo si Blair kapag kasama ang boss. Napansin din niyang mabilis uminit ang ulo nito, mapang-asar at mapangmata pa. Kanina nga, habang bumababa si Blair ng kotse, halos itaas niya ang gitnang daliri. Kung hindi lang niya naisip na baka mahuli siya sa rear-view mirror, baka nagawa na niya ito. Magandang lalaki ang kaniyang boss na si Roman. Pero kung ano ang kinagwapo ng mukha nito ay siya namang ikinasama ng ugali. Sa kabilang banda, alam na alam ni Roman kung paano gamitin ang itsura para manipulahin ang mga tao sa paligid niya. At karamihan ay madaling mabiktima. Kahit ganoon, tanggap ni Blair na maraming magagandang benepisyo ang Kingston Company. Mayroong medical, dental at childcare sa mismong gusali ng kompanya. Kaya naman kahit naiinis sa boss, nagtitiis si Blair sa trabaho. Bitbit ang maleta, napapabuntong hininga si Blair papasok sa townhouse – ang bahay na tinitirhan niya, ng pinsan niya na si Laura, at ng fiancé niyang si Dan. Blair looked at her watch. Mayroon pang natitirang oras bago umuwi ang nobyo! Sopresahin kaya niya ito ng masarap na hapunan? Isa pa, maaaring wala rin ang pinsan niyang si Laura. Laura is a model. Hindi man sikat pero kabog parin sa ganda at hubog ng pangangatawan. Marunong manamit, palaging mabango at maayos ang postura. Ngunit kabaligtaran naman si Blair. Mas pipiliin pa niyang magbabad ng libro kaysa ubusin ang oras sa pag-aayos. Iniwan ni Blair ang handbag at maleta sa paanan ng hagdan at masayang lalakad patungo ng kusina. Subalit nakakaisang hakbang pa lamang siya ay napahinto na ito sa mahina ngunit malinaw na ingay mula sa itaas. Halos napako ang kaniyang mga paa sa sahig bago tumigin sa direksyon kung saan nanggaling ang ingay. Inaasahan niya na walang tao sa bahay! ‘Baka si Laura lang. Maaga siguro siyang umuwi,’ ang naisip ni Blair sa sarili. Pero, paano kung hindi? Nang mapatingin sa paligid, nakita nito ang baseball bat ng yumaong ama na palagi niyang inilalagay sa tabi ng pinto. Dali-dali niyang hinablot ang baseball bat at marahang nagtungo papataas ng hagdanan. Habang maingat na naglalakad, nanalangin siya na, “Please, sana si Laura lang ‘to.” Sa wakas ay nakarating siya sa ikalawang palapag ng bahay. Napansin niya na sa pasilyo, tanging ang pinto ng kwarto nila ni Dan ay bahagyang nakabukas. Makaisang hakbang papalapit, napahinto si Blair nang marinig ang nakakapanindig balahibong tawa ni Laura. Malambing ito at nakakaakit. Kasunod ng halakhak ay ang mababang ungol ng isang lalaki. Parang may malamig na tubig na dumaloy sa ugat ni Blair. Gayumpaman, gusto niyang isipin na baka may dinalang lalaki lamang ang pinsan sa bahay. Pero bakit sa kwarto nila ni Dan? Dahil ba sa sobrang kalasingan? Iniling ni Blair ang ulo. ‘No. That’s impossible.’ Aatras na sana siya nang marinig niya ang boses ng lalaki. “God… yes…” Blair stood still. “Ang hot mo talaga Laura.” At doon na siya natigilan. Kilalang-kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Ito ay walang iba kung hindi ang kaniyang pinakamamahal na nobyo – si DAN! At ngayon, sa mismong kwarto nila ay naroroon si Dan at ang pinsan si Laura. Nanlalamig ang mga palad, dahan-dahang lumapit si Blair sa pinto. Isang hakbang pa at mararamdaman na niya ang init na nagmumula sa loob ng kwarto! Itinulak niya nang bahagya ang pinto… at nang makita ang laman nito, muntik na niyang makalimutang huminga! Kitang-kita niya ang nobyo sa higaan; walang saplot habang nakasaklang naman sa kaniya ang hubo’t hubad na si Laura. Napanood ni Blair kung paano dumausdos ang balakang ni Laura. Bawat galaw ay mabagal pero madiin, habang nakapikit ito at kagat ang labi. Samantalang nakabaon naman ang mga kamay ni Dan sa balakang nito, waring ginagabayan ang bawat indayog. “Oh… yes… f**k me harder…” ungol ni Laura. Itinaas ni Blair ang isang kamay sa bibig para pigilan ang sariling mapasigaw. Hindi… hindi… hindi…! Lalo naman humigpit ang hawak ni Dan kay Laura, waring nais pasukin at tikman ang bawat anggulo sa kaloob-looban ni Laura. Bawat pagpasok at paglabas, parang nabibilaukan si Blair ng sariling hininga. Hindi niya inaakalang aakitin at ikakama ni Laura ang lalaking nakatakda na sana niyang pakasalan! Bakit? Paano? Bakit nagawa ni Laura ang bagay na ito yamang alam niya kung gaano kasakit ang mapagtaksilan?! Pareho nilang nasaksihan kung paano paulit-ulit na niloko ng ama ni Laura—si Peter—ang ina nito. At noong naulila si Blair matapos ang plane crash sampung taon na ang nakalipas, sa pamilya nina Laura siya tumira. Kung may isang tao na makakaintindi sa sakit ng pagtataksil… akala ni Blair, si Laura ‘yon. ‘Bangungot lang ‘to…Tama. Isang… masamang panaginip!’ Pinisil niya nang madiin ang sarili—at nang sumakit agad, alam niyang hindi siya nananaginip. Noon pa man, galit si Dan kay Laura. Tinawag niya itong malandi, nilait ang mga damit at sinabi pang mababaw at walang kakayahan para sa totoong usapan. Puro kasinungalingan lang ba ang mga iyon? O baka nagseselos lang siya sa mga lalaking dumadaan sa buhay ni Laura? Isang bagay lang ang sigurado—hindi kailanman tatanggapin ni Paula, ina ni Dan, si Laura bilang asawa para sa anak niya. Pero ngayon, wala na itong saysay. Ano’ng gagawin niya ngayon? Paano niya haharapin ang pangyayari? Pakiramdam niya ay nasa eksena siya ng mumurahin at nakakadiring pelikula. Isa ang tiyak – hindi siya puwedeng magkunwari na walang nakita. Ayaw na niya kay Dan. Paano niya mamahalin ang lalaking ito matapos ng lahat ng kaniyang nakita? Labis na pandidiri na lamang ang nararamdaman niya para rito. Isang tanong na lamang ang nabuo sa isipan ni Blair. ‘Kailan pa?’ Limang buwan na silang magkakasama sa bahay. Lumipat si Dan para makatipid bago ang kasal. Ibig bang sabihin, ikinakama na ni Dan si Laura mula pa noong una? “You are so tight, Laura,” nanginginig na ungol ni Dan. “Is my p***y better than Blair? Huh.. Dan?” hingal ni Laura sabay bilis ng pag-indayog. Parang binagsakan ng langit at lupa si Blair. Sinadya ba ni Laura na sabihin iyon para marinig niya? Sa pagnanais na maitago ang pagnanais na sumigaw ay mahigpit na kinagat ni Blair ang kamay. Nanlilisik ang kaniyang mata habang tinitignan ang nobyo na lango sa pagnanasa. Ibinigay niya ang p********e kay Dan kahit pa na napakahalaga nito sa kaniya. At ngayon, ito ang isusukli ni Dan?! May plano pa sana siyang sorpresahin ang nobyo. Subalit mukhang siya pala ang nasopresa. Nanlalamig ang sikmura, napaabot ang kaniyang isang kamay sa hamba ng pinto para hindi matumba. Doon niya naalala ang baseball bat na kaniyang bitbit. Sa isang iglap, naisip niyang gamitin ito: wasakin ang kama, ang mga gamit at pati na ang dalawa. Ngunit hindi siya ganitong tao. Kaya naman, ipinatong ni Blair ang baseball bat sa hamba. Huminga siya nang malalim. Itinuwid ang likod at saka nagpakawala ng malamig na boses. “Habang tinatapos n’yo ‘yan… gusto n’yo bang ipagluto ko pa kayo ng hapunan?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.5K
bc

His Obsession

read
103.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
95.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.7K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook