“F*ck me!”
Napatingala si Dan mula sa kama at saka itinulak si Laura palayo sa kanya. Bakas ang takot at
gulat sa kaniyang mukha nang makita si Blair na nakatayo sa may pinto.
Pambihira! Nahuli siyang nangangaliwa sa akto! Hindi lang nakababa ang pantalon niya, kung
hindi ay wala na talagang saplot!
Sa kabilang banda naman, nagmadaling gumapang si Laura sa gilid ng kama, hinablot ang kumot
at tinakip sa hubo’t hubad niyang katawan. Maging siya ay nagulat sa pagsulpot ng pinsan na si
Blair – halatang wala siyang kaide-ideya na mahuhuling ikinakama si Dan.
“On the second thought, ‘wag nalang pala. Mukhang inaasikaso na lahat ni Laura ang para
sayo,” malamig na sambit ni Blair.
Sa totoo lang, maging si Blair ay nagulat sa sariling tono ng pananalita. Masyado itong kalmado,
waring walang pakielam sa nangyayari kahit pa sa loob-loob niya, gusto na niyang sumigaw,
magwala, at magbasag ng mga gamit.
Pero para saan pa? Wala rin namang mangyayari. Sirang-sira na ang relasyon nila ni Dan.
“A-Anong ginagawa mo dito, Blair?!” tanong ni Dan.
Basa pa ang ari ni Dan habang malambot na nakabitin sa hita. Nanlambot na ito. Sino bang ma-
tu-turn on kapag nahuli ng fiancée?
Bilang tugon ay tinaas siya ni Blair ng kilay. “’Yan talaga ang naisip mong itanong? Magsuot ka
kaya muna ng damit,” ang sabi nito bago pagtaasan ng kilay ang sira-ulong nobyo.
Labis na minahal ni Blair si Dan. Subalit ngayon, sobrang pangit nito sa kaniyang paningin. Kahit
gaano siya guwapo, hinding-hindi niya maatim na titigan ang nakakadiri nitong pagmumukha!
Hindi magagawa ng isa na magtaksil kung talagang mahal mo ang isang tao. Sa kaso ni Blair,
handa siya noong ipaglaban ang pagmamahal kay Dan kahit pa tutukan siya ng baril sa ulo.
Ngunit, mukhang malabo ito para kay Dan. Base narin sa lahat ng narinig ni Blair na mga ungol
at palitan ng malalaswang salita mula sa dalawa, malinaw na sinadaya ni Dan ang bawat
pangyayari.
Hindi ito aksidente lamang.
Inilapag ni Blair ang hawak na baseball bat at isinandal sa pader malapit sa pinto bilang
paninigurado. Sinabi niya sa sarili na hindi niya iyon gagamitin, pero baka sakaling gamitin niya
ito bigla-bigla.
May katawagang “crime of passion”. Ang ibig sabihin, minsan na normal sa mga taong
makakagawa ng krimen dahil sa matinding galit. Kaya mas mabuting ilayo niya muna iyon sa
kamay niya.
Nakapulupot ang mga braso ni Blair sa kanyang dibdib habang pinapanood si Dan na bumaba ng
kama at nagmamadaling isuot ang pantalon niya pangtrabaho. Pagkatapos, inilipat niya ang
tingin kay Laura.
Aba, nakangisi na ito ngayon! Ang kaninang gulat na ekspresyon ay napalitan ng mayabang na
ngiti!
Kagyat na naramdaman ni Blair ang pag-ugong ng galit sa kaniyang mga taenga. Sadya ngang
nasira ng tuluyan ang kaniyang buhay ng dahil kay Laura at Dan!
Ayaw na niyang makita ang bawat pangyayari. Ang pagmamadali ni Dan na magsuot ng damit at
ang ngisi ni Laura. Pero pareho sila ni Dan na nagtatrabaho sa Kingston. Siya ang nauna at
pagkalipas ng isang taon, sumunod si Dan. Paano niya maiiwasan na hindi siya makita pang
muli?
‘Hinding-hindi ako aalis sa trabaho,’ pangako ni Blair sa sarili.
Ito na lamang ay mayroon siya, at hindi niya ito bibitawan. Tutal, hindi rin naman sila direktang
magkasama sa trabaho.
Pagkatapos mag-suot ng damit ay dali-daling lumapit si Dan sa kaniyang puwesto. Iniabot ang
kamay at sinabing, “Baby…”
Siya namang pag-atras ni Blair. “’Wag na ‘wag mo kong hahawakan, Dan.”
Diring-diri si Blair sa kaniya. Sino bang nakakaalam kung saan pa dumapo ang kamay na iyon?
Sa talim na boses ni Blair ay napatahimik si Dan. Lumingon siya kay Laura bago muling tumingin
kay Blair.
“Please believe me. Isang beses lang nangyari ‘to! I won’t do it again! This is… This is nothing!”
ang pagsusumamo ni Dan. Ang kapal talaga ng mukha!
Base sa ‘itsura ni Laura kanina, alam ni Blair na nagsisinungaling lang si Dan. Isa pa, may ugali
ang nobyo na itaas ang kanang kilay kapag nagsisinungaling. Kung ganoon, bakit hindi napansin
ni Blair ang pagsisinungaling nito noon?
Siguro nga’t tuso ang puso at ang pagmamahal. Nagawa nitong palabuin ang matinong pag-iisip
ni Blair.
“Alam mo, Dan? Wala na kong pakielam,” taas-baba ang baba ni Blair habang bumabaon ang
mga kuko niya sa palad. “’Yung isang beses na ’yon, sapat na.”
“Blair, baby, please… Mahal kita,” pilit ni Dan habang sinusubukang yakapin siya.
Mabilis na kumilos si Blair, dinampot ang bat at itinutok sa dibdib niya. Itinutulak niya ito
paatras para hindi magawa ni Dan na makalapit man lang. “’Wag mo ’kong matawag tawag na
baby, huh? At ‘wag mo kong hahawakan!”
Nang makita ang baseball bat ay agad na itinaas ni Dan ang kamay niya na para bang
pinoprotektahan ang sarili. “Please, listen to me. ‘Yang malandi mong pinsan ang nanukso sa
akin! Alam mo naman kung gaano siya kaharot! I… I only have you in my heart, Blair.”
“He’s lying,” biglang sulpot ng tinig ni Laura.
Sabay na tumingin ang dalawa sa babaeng ito.
“Matagal nang nangyayari ‘to, Blair,” pag-amin nito. “Ilang buwan na, mula pa nang tumira siya
rito.”
“Manahimik ka nga!” sigaw ni Dan sa kaniya bago muling bumaling kay Blair. “Sinungaling ‘yang
p*t*ng*na na ‘yan!”
Nagkibit-balikat lang si Blair. “I don’t care. Once is enough.”
Tinulak ni Blair ng kaunti ang dibdib ni Dan gamit ang baseball bat. At saka nagpatuloy.
“Also, watch your mouth. Hindi ko mapapatawad si Laura pero tandaan mo na ikaw talaga ang
may pinakamalapit na relasyon sa akin.”
Sinulyapan ni Blair si Laura na nagmamadaling tumayo habang hawak parin ang kumot sa dibdib
niya.
“Kung p*ta siya,” pagpapatuloy ni Blair, “Anong tawag sayo?”
Hindi kaagad nakapagsalita si Dan. Samantalang, pandidiri na lamang ang nararamdaman ni
Blair. Kahit yata maligo siya ng sampung beses, hindi niya maisip na magiging malinis ang utak
pagkatapos ng lahat.
Ayaw na niyang dagdagan pa ang eksenang ito. Gusto na niyang umalis!
Kailangan niya ng panahon upang higit na maproseso ang pangyayari. Kaya naman, dali-dali
siyang tumalikod at bumaba ng hagdanan. Mabilis niyang dinampot ang maleta at bag. Hindi rin
niyang nakalimutang kuhanin ang briefcase bago lumabas ng pinto.
“Idiot slut!” malakas na sigaw ni Dan mula sa taas. “Bakit ka pa kasi nagsalita?!”
Hindi pinansin ni Blair ang sigawan sa taas. Sa halip, tumayo na siya sa harap ng pinto’t handa
nang umalis. Saan siya pupunta?
Wala siyang ideya. Isa lang ang sigurado – hindi-hindi na siya babalik sa lugar na ito.
“Did you just call me slut?!” sigaw ni Laura pabalik.
“Oo! Pokpok ka! Sinadya mo ‘tong mangyari no?!” Singhal ni Dan. “You and your damn mouth!”
“Excuse me?” garalgal na tugon ni Laura, waring umiiyak. “Hoy, hindi ka nagrereklamo noong
kinakain kita. You loved my mouth when I suck your damn c*ck!”
“Shut up! I knew it! You set me up! Alam mong uuwi si Blair!”
“Hindi ko alam na uuwi siya!” umiiyak na sagot ni Laura.
Alam ni Blair na kapag nagtagal pa siya, bababa pa ang dalawa para humarap sa kaniya. Ito na
ang huling bagay na gusto niyang mangyari ngayon. Kaya naman, huminga siya ng malalim at
binuksan ang pinto.
Nang makalabas sa bahay ay hindi na ito muling lumingon pabalik kahit pa narinig niya ang
boses na Dan na tumatawag sa kaniyang pangalan.