Malamig na hangin ang sumalubong kay Blair pagkalabas na pagkalabas ng bahay. Ramdam niya ang gaan sa dibdib, hindi lang dahil sa nakahinga na siya ng maayos, kung hindi dahil lumabas na ang katotohan. Nabunyag ang sikreto na itinatago ni Dan at Laura, at tuluyan silang nahubaran ng maskara. Sa piling ni Roman, ramdam niya ang mainit na pag-alalay: ang malaki niyang palad at mahigpit na kapit. Subalit sa gitna nito ay mayroong parte ng pagiging kontrolado, waring ninanais ni Roman na kuhanin siya at angkinin. Imbes na mainis sa gahamang ugali, nagustuhan ni Blair ang parteng iyon. Nang makatigil saglit, nagkaroon ng tensyon sa kanilang pagitan – tensyon na kasing init ng nagbabagang apoy. Gusto na sana niyang tumalon sa mga bisig nito, pero dahil si Roman at Roman lang ang laman

