Hawak hawak ni Roman ang kamay ni Blair nang dalhin niya ito sa kuwarto. “Teka,” mahinang sabi ni Blair sabay hinto sa paglakad. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa paligid. Ito ang unang pagkakataon na nakarating si Blair sa kuwarto ng boss. Wala naman kasi siyang dahilan noon para bisitahin ang lugar na ito. May bahagi sa kaniya na nananabik sa mangyayari. Ngunit dahil bago sa kaniya ang lahat lalo na ang lugar kung saan nila ito gagawin, hindi niya naiwasang mangamba at kabahan. “E kung ayusin ko muna kaya ang mga gamit ko? I need to unpack.” At nakahanap na nga siya ng dahilan. Subalit gagana kaya ito kay Roman Kingston? Nakangising sumagot ang lalaking kanina pa nagtitimpi. “Jenny did that already. Pinahanda na niya ang mga gamit mo. Bago ka pa man makauwi, okay na ang lahat.

