Kinabukasan, nagising si Blair taglay ang mabigat na pakiramdam. Sa laki ng SUV na sumalpok sa kanila, natural lang na manakit parin ang kaniyang katawan, na para pang dambuhalang trak ang muntikan ng tumapos sa kanilang buhay. Masakit ang tadyang niya at pumipintig ang kaniyang ulo. Inunat niya ang kamay sa tabi at napagtantong wala si Roman. Nang tignan niya ang orasan sa tabi, ala-sais na ng umaga. Ibig sabihin ay matagal din siyang nakatulog. Kapag pala parang may buhanging sa kaniyang mga mata dahil sa sobrang antok. Mabagal siyang bumangon upang hanapin si Roman. Hindi nagtagal, nakita niya ito sa opisina, suot parin ang damit kahapon. Napapaligiran siya ng mga papel at ng isang malamig na tasa ng kape. Halatang wala pa itong tulog. “Huwag mong sabihing nagpuyat ka kagabi,”

