Nanlaki ang mga mata ni Blair habang nakatitig kay Roman. Kung para kay Blair, wala siya sa posisyon na sagutin ang telepono. Lutang pa ang kaniyang isipan, at hindi siya sigurado kung kaya niyang bumuo ng mga salita. Sa kabilang banda, walang kahirap-hirap para kay Roman na abutin ang telepono. May ngisi niyang isiniksik ang telepino sa pagitan ng kaniyang tainga at balikat, habang maingat nitong tinanggal ang condom, isinuot muli ang pantalon, at inayos ang polo. “Hindi. Wala ang sekretarya ko dahil may pinagawa akong iba sa kaniya,” sagot ni Roman sa kabilang linya. Napakurap si Blair ng mabilis dahil sa narinig. Anong sabi niya? May pinagawa siya? Grabe. Ganito pala kapusok at kapanganib si Roman pagdating sa s*x. Pero ang nakakapagtaka para kay Blair ay hindi siya natakot sa

