Tanging mahinang kaluskos ng tela lang ang maririnig sa banyo habang isa-isang binubuksan ni Roman ang mga butones kaniyang polo. Bawat galaw, mabagal at sinasadya; na para bang inaakit ang mga mata ni Blair. Ang mainit na singaw ng tubig na bumabalot sa kaniyang balat ay walang sinabi sa init ng apoy na kaniyang nararamdaman. Nahalata kaya ni Roman ang mga salita sa likod ng mga titig ni Blair? Marahil. Dahil hindi inalis ni Roman ang kaniyang mga mata sa hubad na babaeng ito. Pinagmamasdan niya si Blair ng walang pagmamadali, walang yabang – isang klase ng tingin na umaangkin sa buong kaluluwa ng dalaga. Matapos tanggalin ang mga butones, nahulog ang sahig sa polo. Pagkatapos ay ang kaniyang sinturon at pantalon. Tahimik ang paligid. Pero sa bawat piraso ng telang bumabagsak,

