Ano uling sinabi ni Roman? Dali-daling humarap si Blair sa kaniya. Itinukod niya ang katawan para maupo at sumandal sa headboard ng kama. Pilit niyang pinanatili ang kumot na siyang nakatakip sa kaniyang dibdib. Medyo hilo pa nga siya dahil sa alak na naimom kagabi. Gayunpaman, hinarap niya ang boss na may kakaibang sinabi kanina lamang. Sa kabilang banda, pinagmasdan siya ni Roman. Nakatagilid ang ulo nito na waring sinusuri ang reaksyon ng kaniyang sekretarya. Bumuntong hininga siya at saka umupo rin sa kama, kaharap ng dalaga. “What?” diretso at walang pag-aatubiling tanong ni roman. Wala siyang pakialam kung hubad siya ngayon. Bakit naman siya mahihiya? Hindi lang kahanga- hanga ang hubog ng kaniyang katawan. Aminado siyang bihasa sa paggamit ng “sandata.” Sa kumpiyansa ng h

