chapter eleven

1519 Words
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Ang kurtinang sumasayaw sa hangin ang bumungad sa akin. Ramdam ko ang dalawang braso na nakapulupot sa aking katawan.  Doon ko napagtanto na nakadaganan sa akin si Archie at marahil ay napasarap sa kaniyang tulog. Lihim ako napangiti at kumilos ako ng dahan-dahan,  sinusubukang kumawala sa kaniyang nga bisig pero bigo ako. Mas lalo ako niyakap na akala mo ay ayaw akong pakawalan.  "I won't let you go, Jay..." rinig kong namamaos na boses ni Archie mula sa bandang likuran ko.  "Umaga na kasi, Archie." mahinang usal ko. Humarap ako sa kaniya kahit na nanatili kaming nakahiga. Tumambad sa akin ang maamo niyang mukha. "Guwapo, " Gulat siyang nakatitig sa akin. Ilang segundo iyon hanggang sa umukit ang ngiti sa kaniyang mga labi pagkatapos ay kinagat niya iyon. "Huwag kang ganyan,  sexy... " may halong tawa na iyon.  Ako naman ang natawa. "Totoo naman... " dagdag ko pa. "Kaya marami nagkakandarapa sa iyo noon, hindi ba?" "Hindi sila ang concern ko." marahan niyang hinaplos ang aking mukha.  Hinawi niya ng mga takas kong buhok. "Sexy, I didn’t know what love felt like until the day I met you. I love you with all my heart and I always will." Lihim kinagat ang aking labi. Kasi sa mga salita na binitawan niya, parang nakikiliti ako kahit hindi naman! Bakit ganito ang epekto niya sa akin sa tuwing napapalapit ako sa kaniya?  "K-kailangan na nating bumaba..." sabi ko nalang para makaiwas sa mga nakakakilig niyang banat. Babangon na sana ako pero bigla niyang ipinulupot ng isang braso niya ang bewang ko. Kaya ang ending, napahinga ulit ako sa kama!  "Archie!" suway ko sa kaniya na nanlalaki ang mga mata.  "Not quite, sexy... " nakangisi niyang sambit. Bigla siyang umibabaw sa akin na mas ako nabigla. Nasa magkabilang gilid ko lang ang mga kamay niya. "Just kiss me. We can talk later..." Magsasalita pa sana ako nang bigla na niya akong sunggaban ng isang halik sa aking mga labi. Bakit ganito? Bakit sa tuwing dumadampi ang mga labi niya sa akin,  nanghihina ako? Parang hinuhugot ng aking lakas?  He kiss me and his kiss lingers with me all day. He really kiss me the way I have never been kissed by anyone else, dahil siya lang ang nakakagawa sa akin nito. Siya lang ang may kakayahan na gagawin sa akin ang bagay na ito.  It seems my heart is a traitor. Hindi ko sukat akalain na mahuhulog ako sa kaniya.  Na hindi ko man lang naiisip ang posibilidad na iyon. Siguro dahil naka-focus lang lang ako sa misyon at kagustuhan na malaman kung sino ang pumatay sa pinakamamahal kong Lolo.  Kung may kinalaman ba ang mga Hochengco sa nakaraan. Na talaga bang masama ang intensyon nila?  Tila may sariling pag-iisip ang mga kamay ko. Marahan iyon kumilos hanggang sa dumapo ang isang palad ko sa kaniyang batok habang ang isa naman ay sa kaniyang likuran. Anumang oras ay ipapaubaya ko na ang aking sarili sa hindi ko mapigilang pakiramdam na naglalaro sa aking sistema.  Napadilat ako nang maramdam kong tumigil si Archie sa pag-angkin niya sa aking nga labi. Taka ko siyang tiningnan nang nagtama ang mga tingin namin. Why did you just stop, Archilles? "You're crying, Jay..." may halong pag-alala nang sambitin niya iyon. "Is there something wrong? Masyado ba kitang nabigla?  I'm sorry... " akmang aalis na sana siya sa ibabaw ko nang bigla ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak ko sa kaniyang balikat.  "I'm sorry,  Archie... Sorry kung naging manhid ako sa tingin ninyo...  Dahil dala ko pa rin ang sakit sa pagkawala ni Lolo Igor..." mariin kong ipinikit ang mga mata.  Wala akong pakialam kung patuloy pa rin ang pagtulo ng aking mga luha. "Naguguluhan na ako...  Gulong-gulo na ako kung sino ang paniniwalaan ko kung sinuman ang pumatay sa lolo ko... May nasasabi na galing sa pamilya ninyo ang may kagagawan sa insidente noon...  Pero habang nanatili ako sa pamilyang ito, ibang-iba ang nakikita ko sa mga nababalitaan ko..." "Jaycelle..." "I'm sorry..." "Shh, don't cry..." masuyo niyang pinunasan ang mga takas kong luha. "Anong gusto mong gawin ko para mawalan ang bigat? Tell me..." "Gusto kong...  Mabigyan ng hustisya... Ang lolo ko..." I answered between my cries.  He plant a kiss on my forehead. "Gagawa ako ng paraan,  Jay.  I promise you. Huwag ka lang umiyak." Sa puntong ito,  parang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi ko.  Pero hindi ko akalain na hindi man lng siya nagalit sa akin nang masuspetsa ko pamilya niya sa pagkamatay ng lolo ko. Instead,  he offer me a help.  __ Sabay kming pumunta ni Archie sa Dining Area kung nasaan ang mga pinsan niya. Tulad ng sabi nila, umalis na mula pa kagabi si Madame Eufemia dahil abala ito sa malaking event na gaganapin sa Maynila. Hindi pa rin ako sigurado kung dadalo ba ako o hindi, dahil na din sa trabaho ko. Masamang tingin ang ibinigay sa akin ni Alisha, takang tingin naman mula kay Lloyd habang mga magpipinsan at ang mga asawa nito ay malapad ang ngiti na may halong pang-aasar o kasiyahan.  "Good morning, Archieee!" masayang bati ni Alisha kay Archie ang mas nakakagulat ay pinulupot ang mga braso niya kay Archie!  Rinig ko ang pagsinghap nina Laraya at Tarrah,  pati na din ng iba dahil sa nasaksihan. Pero, hindi ko mipagkaila na tila may tumusok na kung ano sa parte ng aking puso. Bumaba ang tingin ko. Para kasing hindi ko kayang masaksihan iyon.  "Pakibitawan ako, Alisha." mariin na utos ni Archie.  "Oh, okay..." Nag-umpisa na din kaming kumain. Pero ang buong akala ko pa man din,  ang matiwasay na kaming makakain ng agahan ngunit mukhang magkakamali pa ako.  "May I ask kung sino ang nagluto nitong tapa ng cow?" Alisha asked.  "Ah, si ate Tarrah nagluto. Masarap,  hindi ba?" nakangiting sagot ni Fae. Ngumiwi si Alisha. "Duh! Ang kunat kaya! Saang part na masarap dito? Gosh." Umaawang ang bibig ko. Agad akong bumaling kay Tarrah na ngayon ay nandidilim na yata ang paningin. Hala, hindi siya pwedeng simulan dahil paniguradong malaking away ito!  "How about this one?" si Alish ulit. This time, ang veggie salad with Manhattan dressing ang kinakain niya. "Si Laraya ang gumawa niyan." pormal na sagot ni Carys habang hawak niya ang kaniyang tsaa. Muling ngumiwi ang pinsan ko.  Walang sabi na niluwa niya ang salad! "My goodness!  Seriously?  Marami naman kayong maid dito, bakit hindi sila ang gumawa ng mga ito? 'Yung totoo?  Asawa ba talaga kayo ng mga Ho?" Laglag na ang panga ko.  Anong-- Napatingin ako sa direksyon nina Laraya at Tarrah. Nakabusangot na ang mga mukha nito pagkatapos ay tumayo sila. "Kitty..." nag-aalalang tawag sa kaniya ni Suther.  "My moon?" bakas sa boses ni Kalous ang takot.  Wala kaming makuhang sagot mula sa dalawa. Bigla silang umalis sa kanilang upuan. Wait,  don't tell me,  magwowalk out sila?  Sinundan namin sila ng tingin. Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko dahil iisang direksyon ang kaniyang pinuntahan... Kay Alisha at walang sabi na hinila nila ang buhok nito at kinaladkad nila ito kung saan!  "Tarrah! Laraya!" tawag namin sa kanila.  Nagmamadali kaming umalis sa mesa para daluhan namin ang tatlong nag-aaway at para na rin awatin. Si Tarrah ang nasa ibabaw habang si Laraya ay nakahawak sa magkabilang kamay ng pinsan ko! Pinagsasampal ni Tarrah si Alisha! "Ang kapal ng mukha mong manlait, b***h!" nanggagalaiting sigaw ni Tarrah. "Kakalbuhin kitang gaga kaaaa!!" Agad umaksyon ang mga lalaking pinsan ni Archie. Hinawakan ni Suther si Laraya habang si Kalous ay pinipigilan si Tarrah!  Walang isa sa amin na lumapit kay Alisha para tulungan namakatayo.  "Bitawan mo ako, Kalous! Buburahin ko lang ang mukha ng babaeng iyan!" patuloy ang sigaw ni Tarrah. Inaabot si Alisha. "Kulang pa iyan! Bitaw, Suther kung ayaw mong ikaw ang tatamaan." iritadong sabi ni Laraya.  "Kitty, tama na... Ayokong masugatan ka..." "Bwisit ka,  Suther!  Huwag mo akong idaan sa ganyan!" Ngumisi lang si Suther.  Pero dahil sa pagkakamali niyang iyon ay nakawala si Laraya! Nagawa nitong hatakin si Alisha.  Nagsasabunutan na silang dalawa at pagulong-gulong sa damuhan!  "Food Technology ang tinapos ko, kaya wala kang karapatang laitin ang gawa ko,  bwisit kaaa!" sigaw ni Laraya. "Go besh, iganti mo din ako! Nilait niya ng pinagpraktisan kong beef tapa!" sigaw ni Tarrah. "Ang kulit ng misis ko, ha." naiinis na sambit ni Suther. Nilapitan niya sina Laraya at Alisha. Binuhayniya ang asawa niya na akala mo sako ng bigas. "Hoy! Bitawan mo ako Suther! I'm not done yet!" giit ni Laraya saka pinagsusuntok niya ng likod ni Suther.  Nakalayo na sila. Rinig ko ang malakas na tawa ni Nemesis. "My gaaawd!  Para kang ginahasa sa lagay mong iyan,  Alisha!" Tumayo si Alisha sabay yakap sa kaniyang sarili.  Tumingin siya nang matagal kay Archie, sa tingin niyang iyon,  naghihingi siya ng tulong o simpatya. Wala siyang narinig na kung ano mula kay Archie. Sa halip ay malamig lang niya iyon tiningnan sabay hawak sa aking kamay.  "Don't mess with this family, Alisha. Hindi ito ang pamilya na inaasahan mo." then we leave.  "May dala ka bang cash,  Alisha?  Should we buy you brand new clothes?" rinig ko pang tanong ni Carys na may mapaglaro  sa kaniyang boses. "Archie," tawag ko sa kaniya. Nasa hallway na kami ng mansyon. Tumigil kami at isinandal niya ako sa pader.  Nanlaki ang ng mata ko sa inakto niya. Napalunok ako.  "Ngayon,  may ideya na ang pinsan mo,  wala na akong pakialam kung magagalit man sa akin si Ahma kung makarating sa kaniya ang nangyaring gulo dito..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD