chapter ten

1556 Words
Dahil sa napahaba ang tulog ko ay nagising ako ng alas syete ng gabi. Wala si Archie dito sa kuwarto. Walang nangyari dahil ayokong mahalata man lang kami ni Madame Eufemia. Umalis na ako sa kama at nagpasya nang maligo saka magbihis. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto para pumunta na ng Dining Area dahi ganitong oras ang hapunan ng mga Hochengco. Sa sitwasyon na ito, paniguradong naroon na din si Alisha. "Miss Jaycelle, kanina ka pa po nila hinihintay..." wika ng isa sa mga maid na nakasalubong ko bago man ako tumapak sa Dining. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Thank you," nilagpasan ko na ito hanggang sa tuluyan na akong napadpad sa silid. Nadatnan ko ang halos buong myembro ng pamilya ay naririto. Pero napansin ko na wala na ang mga magulang nila. Siguro ay kinakailangan na nilang tumulak ng Maynila dahil sa kani-kanilang negosyo dito. Ngunit, narito ang Grande Matriarch... pati si Lloyd! "Jaycelle! Iha! Finally!" bulalas niya nang nakuha ko ang kaniyang atensyon. "Sorry kung ngayon lang po ako." magalang kong usal. Nilapitan ko ang karaniwan kong pwesto sa mesa. Biglang tumayo si Lloyd at siya ang naghatak ng upuan para sa akin. Tipid akong ngumiti sa kaniya. "Salamat," "It's my pleasure." nakangiting turan niya. Napatingin ako kay Archie na nasa tapat ko lang, katabi niya si Alisha. Kita ko ang pandidilim na tingin ang itinapon niya para kay Lloyd habang ang pinsan ko naman ay nakangisi na akala mo ay nagwagi sa isang pustahan o anuman. Binawi ko ang tingin ko, nagkukungwaring balewala lang sa akin ang mga pinagsasabi niya sa akin kanina.. "Naimbitahan ko si Lloyd dito dahil dito rin gaganapin ang engagement party. And I'm hoping, this is will a big success for our family." anunsyo ng Grande Matriarch sa amin. Yumuko ako saka napalunok. Pakiramdam ko ay wala na talaga akong kawala sa sitwasyon an hinahaharap ko ngayon. Alam kong gayundin si Archie. Or, hindi ko lang mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon. Ipinagdadasal ko na huwag naman sanang makakasira sa pamilyang ito pero sa puntong ito, masasabi ko na may relasyon na kaming dalawa. Sa oras na malaman niya ito, paniguradong magagalit siya ng sobra. "We still have a week for preparations. And of course, it's a grand engagement party." hindi mawala ang tuwa sa kaniyang boses. She paused for a moment, she grab her glass of water and sip a bit. "Ahm, ahma?" tawag sa kaniya ni Laraya. "Yes, Laraya?" "Is it allowed to reconsider this?" Natigilan ang Grande Martriarch. Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ni Lara! "Why, iha? Is there any problem?" Tumalima ako kay Laraya. Napalunok dahil sa kaba. I'm scared whatever she spill something, especially about my relationship with his Archie "What I mean ahma... hindi kaya masyado po mabilis ang pangyayari? Engage na sila agad withour knowing each other?" she asked coldly. Marahang ipinatong ni Madame Eufemia ang hawak niyang baso sa dining table. "Sa tingin ko naman ay makikilala din nila ang isa't isa habang hindi pa sila kasal." "Yes, makikilala nila ang isa't isa, pero ang pangit yata kung kasal sila kung hindi nila mahal ang isa't isa. Ikaw na din ang nagsabi na wedding is very sacred." nagpangalumbaba siya. Naniningkit ang mga mata ni Madame. Sa pagkakaalam ko ay si Laraya lang ang kayang tumapat sa Grande Martriach. "It's just a suggestion," dagdag pa ni Laraya. Tumuwid ng upo si Madame. "They still have a week to know each other." Ngumisi si Laraya. "Let's have a bet, madame." "What do you mean?" "Kapag hindi natuloy ang kasal, hahayaan mo silang magmahal ng malaya, kung sino ang mamahalin nina Archie at Jaycelle. Kapag natuloy man, handa akong maging alipin mo." Napasinghap kami sa kaniyang suhesyon. Nanlaki ang mga mata ko. W-what... Unti-unti na din sumilay ang ngiti sa mga labi ni Madame Eufemia. "Sure." _ "Lara, what are you doing?" nanlalaki ang mga mata ni Tarrah nang hatakin nila si Laraya sa bakuran ng mansyon pagkatapos magdinner. Walang tao doon ng mga ganitong oras. Kami lang mga babae, except Alisha ang naririto. "Are you out of your mind?" Mahinang tumawa si Laraya. "It's just a challenge, don't worry. I have faith in Archie." Natigilan kaming lahat. "A-anong ibig mong sabihin?" si Carys ang nagtanong. She shrugged. "Who knows, you know Archie. Kapag gusto niya, masusunod. You know, he loves challenges. Kung ayaw niya sa sitwasyon ng kompanya, hindi ba, nagagawan niya ng paraan? What more pagdating pa sa lovelife niya? I'm just giving him a call." "You're crazy." natatawang kumento ni Tarrah. "Nakakaloka ka!" "I know. So, I think, this is will be interesting." _ Bago man ako bumalik sa kuwarto ay nagpasya akong magpahangin muna. Yakap-yakap ko ang aking sarili hanggang sa napadpad ako sa may bench. Tumigil ako nang may namataan akong pamilyar na lalaki kahit na nakatalikod ito at nasa malayo ang tingin. Ngumiti ako. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan ang lalaking iyon saka umupo na din sa tabi niya. "Mukhang malalim ang iniisip mo, ah." Bumaling siya sa akin saka binuga ang usok mula sa kaniyang bibig. "Hindi naman." umayos siya ng upo. "Kilala kita, Harris. Kapag nasa malayo ang tingin, malalim ang iniisip mo." "Nag-iisip ako ng solusyon." bumaling siya sa akin at ngumisi. "Para matigil ang kasal ninyo ni Archie." Nawala ang ngiti sa aking mga labi. "Harris..." Binawi niya ang kaniyang tingin at ibinalik niya iyon sa kawalan. "I have a secrets to tell, Jaycelle. At hindi kami nagsisi na umatras noon dahil alam kong mas magiging masaya ka sa kaniya." Hindi ko ako nagsalita. Nanatili lang akong nakikinig sa kaniya. Inaabangan ang susunod niyang sasabihin. "Naalala mo ba noong nasa Cavite tayo? Along with Vaughn, and Archie? We treated you as our younger sister lalo na't ikaw alng ang babae sa grupo natin." he started. "Pero akala namin ganoon lang tingin namin sa iyo pero mahigit pa pala, Jaycelle. We have a silent competition between me, Vaughn and Archie." Kumunot ang noo ko. "Silent competition?" medyo naguguluhan ako. Mahina siyang tumawa. "Pagdating talaga sa ganito, you're so slow, Jay." huminga siya nang malalim. "We like you since we're kids, Jay." "H-Harris..." "Pero nakaraan na iyon, alam naming hindi kami ang nararapat para sa iyo. You're so fragile that time. Me and Vaugh, we're decided to step back. We think, Archie is a best man who can win over your heart." tumayo na siya at tumingin sa akin. "I confessed, Jay. It doesn't mean, liligawan kita o ano. Matagal na tayong magkakaibigan kaya may karapatan kang malaman ito. I won't pursue or hitting on you. Malaki ang respeto ko kay Archie." mahina niyang tinapik ang aking balikat. "Pumasok ka na din mamaya at baka malamigan ka dito. Una na ako." nilagpasan na niya ako't dumiretso na siya sa mansyon. Ngumiti ako saka yumuko. Wala naman akong naramdamang kakaiba sa pag-amin sa akin ni Harris. Doon ko napagtanto na, hindi ako nagkamali sa pasya ko na ibaling kay Archie ang atensyon ko. Ngayon, malinaw na sa akin kung bakit ganoon ang mga ikinikilos ng mga pinsan niya sa kapag kasama nila ako sa tuwing may gala sila. Kung bakit palagi nilang inaasar si Archie dati pa. _ Pabalik na ako sa kuwarto ko nang biglang may humatak sa akin. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa isang silid. Nakasandal ako sa pader. Medyo madilim ang paligid. Tanging lampshade lang ang nagsisilbing ilaw dito, kaya naaninag ko kung sinoa ang humatak sa akin papunta dito. Si Archie. "Archie..." anas ko, kasabay na nararamdaman ko ang magpulupot ng isa niyang braso sa aking bewang. Mas inilapit pa niya ako't napadikit ako sa kaniyang katawan. "I miss you, sexy..." he said softly while he brushing his lips on my face. "Nasa iisang bubong tayo, papaano mo akong mamimiss...?" I almost out of breath again. "I don't know. I miss you to the point I want to make out with you..." dinampian na niya ng halik ang aking panga. "Stay with me, tonight." "N-narito pa ang Grande Martriarch—" "She will leave later. Please, sexy?" Pumikit ako ng mariin, kasabay napakagat ako sa aking labi. Damn it, I can't resist this guy! "F-fine..." Tumigil siya sa kaniyang ginagawa. Nagtama ang mga mata namin. "Really?" bakas sa mukha niya ang kasiyahan. Ngumiti na din ako saka tumango. "Oh damn," mariin niyang pagmumura. "Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinasaya sa pagpayag mo, Jaycelle..." "Archie," muli kong tawag sa kaniya. "Yes?" "Bakit hindi mo sa akin sinabi noon na may gusto ka pala sa akin?" hindi ko mapigilang itanong iyon. Siya naman ang pagtigil niya. "Nagkausap kami ni Harris, nasabi niya sa akin na kayong tatlo... May gusto sa akin." Hindi siya makasagot agad. Nanatili siyang nakatitig sa aking mga mata. Maya-maya pa ay marahan niyang hinawi ang mga takas kong buhok at isinabit niya iyon sa aking tainga. "I don't want to be burden to you, that time, Jaycelle..." namamaos niyang sabi. "Alam kong dala-dala mo pa rin ang pagkamatay ng lolo mo and I respect that. Para sa akin, mas maigi nang mahalin kita nang palihim, nang hindi mo nahahalata." "Archie..." "Now, you give me hopes, Jaycelle and you don't know how much my happiness is... Nasa harap na kita, nahahawakan, halos na wala akong pakialam sa paligid ko." isinandal niya ang noo niya sa noo ko. Napapikit kami pareho, dinadama namin ang isa't isa. "If loving you is wrong, then I don't wanna be right, Jay... I won't let you go... I won't allowed anyone to take you away from me..." I feel he plant a kiss on my forehead, dahilan para dumilat ako. Tiningnan ko siya. "I know what should I do to fight over you, sexy..." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD