chapter nine

1808 Words
Ilang beses nang pumaparito at pumaparoon sina Tarrah at Laraya sa harap namin, may kasabay na pagbigkas na iilang mura. Medyo nakaramdam ako ng hilo sa mga pinanggagawa nila. Sa lagay nila ngayon ay todo pagtatanggi nila sa nangyayari. Aminadong hinding hindi nila gusto ang ibinalita ng Grande Matriarch sa amin—na ipinakilala ang pinsan kong si Alisha. Biglang tumigil si Tarrah sabay harap sa amin. "Can you slap me on my face, right here, right now?! Tell me, this is a nightmare!" bulalas niya, halos mahesterikal na siya na akala mo pinoproblema niya iyon kahit hindi naman dapat. "If we can do something about this..." rinig ko namang kumento ni Laraya habang nakahalukipkip pero patuloy pa rin siya sa kaniyang galaw. Sa ngayon, naririto kami sa kuwarto ni Fae. Biglang nagpatawag ng emergency sina Tarrah pati na din itong si Laraya. Wala akong ideya sa mga pinagsasabi nila... Maliban sa bagay na sinabi sa akin ni Archie na alam na din daw ng lahat, maliban kay Madame Eufemia na may gusto sa akin ang apo niya... "We should stop this s**t, girls." dagdag pa ni Tarrah na halos sabunutin na niya ang kaniyang buhok. "My goodness! Hindi pwedeng lumubog ang barko ko!" Huh? Barko? Ang weird na niya ngayon! "Hindi ka nag-iisa, Tarrah." natatawang kumento ni Pasha. Katabi niya si Naya at Carys. Habang nakaupo sa couch si Nemesis. "Iba din ang pakiramdam ko sa babaeng iyon." seryosong saad ni Laraya. Inilipat niya sa akin ang kaniyang tingin. "It seems you are not even close, Jaycelle." "Yeah," ang tanging naging sagot ko. That's true. Hindi naman talaga kami malapit ni Alisha. Dahil na rin siguro kay tita Vera. Naalala ko pa noon, sa tuwing may handaan o malaking salu-salo sa Hacienda ng Cepeda, ilang beses na akong sumubok na lapitan si Alisha para makipag-usap o makipaglaro sa kaniya ay palaging humaharang si tita Vera. Marami siyang sinasabi sa akin na masasakit na salita. Ang isang salot na tulad ko ay wala raw akong karapatan na lumapit sa anak niya, dahil baka madamay ko ito sa kalokohan ko kahit wala naman akong intensyon na masama. Palaging sinasabi na hindi ako nababagay sa pamilya dahil isang hampaslupa ang aking ama. Ilang beses na niya akong binabalaan na sa oras na lalapit ako kay Alisha, mapapalayas niya ako. Kaya sa huli ay sinunod ko nalang 'yon. Masakit man, pero tanging si Lolo Igor lang ang kakampi ko ng mga panahon na iyon. Mabait din naman sa akin ang asawa ni tita Vera, pero hindi ko ito madalas nakikita sa Hacienda dahil abala ito sa kaniyang trabaho. Nakuha ko ang atensyon nila nang bigla akong tumayo. "Magpapahinga na muna ako sa guest room..." paalam ko sa kanila. "Huh? Anong guest room? May sarili kang kuwarto dito, Jaycelle baka nakalimutan mo." biglang sabi ni Tarrah. Hilaw akong ngumiti. "Baka si Alisha na ang gumagamit n'on... See you around." tinalikuran ko na sila at naglakad hanggang sa tagumpay akong nakalabas ng kuwarto. Nang tuluyan na akong nakalabas ay bumuga ako ng isang malalim na buntong-hininga. You can do this, Jaycelle. Nakakatawid ka din... Humakbang na ako para pumunta sa Guesto Room nang nakasalubong ko ang isa sa mga kasambahay dito sa mansyon. Tumigil ako sa paglalakad. "Mabuti nalang at nakita ko kayo kaagad, Miss Jaycelle." wika ng kasambahay. "Hinahanap po kasi kayo ni Madame Eufemia. Hihintayin ka daw po niya sa Study Room." Ngumiti ako at tumango. "Sige po, salamat po." nilagpasan ko na ito at lumiko ng direksyon kung nasaan ang Study Room. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng silid ay kumatok ako ng tatlong beses. Rinig ko ang boses ni Madame Eufemia, inuutos niyang pumasok ako kaya sinunod ko iyon. Pinihit ko ang pinto at marahan ko iyon itinulak. Humakbang ako papasok. Nadatnan ko ang Grande Matriarch na prenteng nakaupo sa swivel na tila malalim ang kaniyang iniisip. Marahan akong bumuntong-hininga bago ko siya daluhan hanggang nasa harap na niya ako. "Pinapatawag ninyo daw po ako, Madame?" Tumingala siya sa akin at ngumiti. "Yeah, right..." she trailed off. Her eyes darted on me. Sa mga tingin niyang iyon ay parang sinusuri niya ako. "I wanna ask you regarding your cousin, Alisha. Is she close to you?" Bago man ako sumagot ay lumunok ako ng isa. "N-not really, Madame..." sagot ko. "I see." patangu-tango. "What can you say about she will getting married to my grandson, Archie?" Ilang segundo ako natahimik. Hindi ko rin maitindihan kung bakit ganoon. Hindi naman ako ganito sa tuwing kaharap ko si Madame, lalo na kung hinihingi niya ang opinyon ko ukol sa kaniyang mga apo. "It's kinda surprise, Madame..." I finally answered. "I know," then she smiled. "Papunta na din si Lloyd dito. Inihabilin na kita sa kaniya habang wala ako dito. I need to go back in Manila as soon as possible. I have important meetings to do this week. And that was our major investors and... I will warn you, Jaycelle. Your aunt Vera and his husband are invited for the upcoming business conference next week. So, are you ready to face her by chance?" Yumuko ako. "Kung hinihingi ninyo kung ano ang naglalaro ngayon sa isipan ko, ang sagot ko po d'yan, may parte sa akin na hindi ko pa siya kayang harapin, lalo na't siya ang nagpalayas sa akin noong bata palang ako, Madame." Muli siyang tumango. "I understand. You are part of my family, Jaycelle, you know that. Meaning, dadalo ka din sa event. But it's up to you if you want to go or not. If you want to face her or not." Mapait akong ngumiti. "Thank you, Madame." "Alright, you can take some rest in your room, iha." _ Ang buong akala ko, matutulog si Alisha sa kuwarto ko dahil siya ang fiancee ni Archie. Ilang saglit pa ay magiging bahagi na siya sa pamilyang Hochengco. Pero bakit mas pinili ni Madame Eufemia na panatilihin si Alisha sa guest room? Medyo nakakapagtaka lang. Pinihit ko ang pinto ng aking kuwarto. Bumungad sa akin ang babae na nakatalikod habang hinahaplos niya ang bed sheet ng kama. "A-Alisha..." banggit ko sa kaniyang pangalan, may halong pagkagulat. Tumayo siya't humarap sa akin. Matamis siyang ngumiti sa akin. "Oh, actually, kanina pa kita hinihintay, Jaycelle." sabi niya. Kunot-noo kong iginala ang aking paningin sa buong silid na ito. Wala naman akong napapansin na iba pero papaano siya nakapasok dito? "May kailangan ka ba kaya ka naparito?" tanong ko na may pagtataka. "Yeah, meron." humalukipkip siya't humakbang palapit sa akin. "Ang kailangan ko lang naman ay layuan mo si Archie simula ngayon. Dahil narinig mo naman siguro ang sinabi ni Madame Eufemia, ako na ang fiancee ni Archie simula sa araw na ito." Sa mga binitawan niyang salita, ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib. Bakit pa ba ako magtataka, nanay niya si tita Vera kaya malamang ay mana sa kaniya ang anak niya! "Sorry pero hindi ko magagawa iyan." sinubukan kong maging mahinahon. Kita ko ang pag-iba ng ekspresyon sa kaniyang mukha. Bakas doon na hindi siya nasiyahan sa aking desisyon. "Alam mo na nga sa umpisa palang, salot ka na sa pamilyang Capeda, huwag mong sabihin na pati sa pamilyang Hochengco, maghahasik ka ng lagim?" Kinuyom ko ang aking palad. Pinili ko nalang na huwag na magsalita. "Nabalitaan ko din na engaged ka na, siguro naman... Sapat na ang rason na iyan para layuan mo na ang mapapangasawa ko? Don't degrade yourself, Jaycelle. Uso din na mahiya... Mahiya ka sa fiancé mo." pagkatapos ay nilagpasan niya ako. Narinig ko ang pagsara ng pinto ng silid na ito. I shut my eyes. Ayokong maiyak... Ayokong maging mahina ngayon. Ayokong sa pagkakataon na ito, talo na naman ako... Napadilat nalang ako nang may naramdaman akong isang pares ng braso na yumapos sa katawan ko! S-sinong... "Jaycelle..." boses niya. "P-papaanong..." "Nauna akong pumasok dito, nagbabakasakaling maabutan kita dito pero wala ka. Lalabas na sana ako nang makita kong pinsan mo ang papasok dito..." he paused for seconds. "And I heard everything..." I secretly bite my lower lip. Pumikit ako ng mariin. "Pero hindi iyon sapat na dahilan para bitawan ka." ramdam ko na ang pagsubsob ng mukha niya sa pagitan ng leeg at panga ko. "I even fall more for you, sexy." then he plant a kiss on my neck! "Archie..." mahina kong tawag sa kaniya, marahan kong kinalas ang mga braso niya sa akin. Humarap ako sa kaniya. Nagtama ang mga paningin namin. Kita ko kung papaano siya nagtataka sa kinikilos ko. "Nasabi mo sa akin na gusto mo ako... Pero bakit...? Bakit ako? Hindi ako tulad ng ibang babae na..." "Hindi na importante sa akin kung ano ka dapat." ikinulong ng mga palad niya ang magkabilang pisngi ko. Bahagyang inilapit niya ang mukha niya sa akin. "I have waited so long for the perfect time to confess and my patience has finally paid off." Napahawak ako sa kaniyang mga kamay. "Archie, ikakasal ka na... Ikakasal na din ako... Mali ito... Ayokong..." "No matter what problem we are facing, we always manages to find a perfect solution, Jaycelle. Trust me..." then he shut his eyes and lean his forehead into mine. "Basta manatili ka lang sa tabi ko... Huwag na huwag kang aalis. Don't even dare to fall out love with me because I won't ever allow it." "Archie naman..." Muli niya akong tinititigan. "Do you love me?" Hindi ako makasagot agad. "H-hindi ko alam..." sabay iwas ng tingin. "Are you almost out of breath when I'm around, sexy?" "I can't tell that I love you... B-but... I could say... I'm falling, Archie which is... You make me nervous. Lately." Kita ko ang pagkagat ng kaniyang labi sa sinabi ko na para bang pinipigilan niyang ngumiti. "Really?" I slowly nod. Pero hindi ko inaasahan ang susunod niyang gagawin... Bigla niya akong sinunggaban ng halik sa aking mga labi. Ilang segundo akong nakadilat dahil sa pagkabigla pero sa huli ay nagawa ko nang ipikit ang mga mata ko. Ramdam ko ang paglapat ng mga palad niya sa magkabilang bewang ko. Kusang gumalaw ang mga braso ko't dumapo iyon sa batok habang nanatili ang mga labi niya sa mga labi ko. Ramdam ko na gumalaw na ang mga ito. Kahit hindi ako marunong at ito ang unang beses ko na mararanas ito, pilit kong tugunan ang bawat halik na iyon. I would remember it all, every small detail, along with the dark excitement of his mouth and the sound of my name as he whisperes it against me. "I want you, Jaycelle... I want to make love with you..." he murmured while his lips touched my earlob! "Y-yes..." I said breathlessly. "When?" then he buried his face between my neck and shoulder. "Where? Here in you room?" Oh my God! "I... Don't know." I shut my eyes. "I can't think, Archie..." At hindi pwede dito sa kuwarto! "Don't," he kissed my templed, my cheekbone, my mouth. "This isn't time for thinking, sexy." My goodness, ano ba itong ginagawa mo sa akin, Archie?! Bakit... "Always remember this, Jaycelle... You are everything to me. You are my life, my hopes, my inspiration. I don't f*****g care about traditions. I'm devotedly inlove with you. Ikaw lang ang gusto kong pakasalan, noon pa man... "  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD