Pagkatapos namin mag-usap ni Archie ay dumaan muna kami sa isang Mall bago pa kami dumiretso sa One Oasis para bihisan at paliguan ko na si Nell. Binilhan ko din siya ng mga damit na maisusuot niya habang nanatili siya dito sa unit. Pati din ng iba pa niyang gamit. Si Archie naman ang bahalang maghanap ng magiging yaya sa isang agency para may magbabantay sa bata dahil pareho kaming may trabaho.
Habang pinapaliguan ko si Nell ay may napapansin ako. Parang hindi niya maigalaw ng maayos ang isa niyang braso. Imbis ay mas iniingatan pa nga niya ito. Naririnig ko kasi ang daing niya sa tuwing nagagalaw nang hindi sadya iyon. Napaisip ako, ano kaya kung dalhin ko siya sa isang espesyalista na kakilala ni Archie para maipasuri 'yon? Tama, iyon ang gagawin ko.
Ang kaso, mukhang malabo na madala ko siya sa Ospital dahil panay hikab na rin niya. Dahil na rin sa awa ay pinatulog ko siya sa kuwarto ko. Sakto lang ang laki at lapad nito kaya paniguradong kasyang-kasya kaming dalawa. Habang wala pa ang on call maid ay ako na muna ang magbabantay sa kaniya ngayong araw. Tinawagan ko ang boss ko para ipaalam 'yon at sa awa din ng Diyos ay napagbigyan ako.
Lihim ako napangiti habang pinagmamasdan ko ang batang si Nell. Masyado pa siyang bata ay napahiwalay na siya sa kaniyang tunay na magulang. Maamo ang mukha niya na animo'y isang anghel at mahimbing na natutulog. Masuyo kong hinaplos ang kaniyang buhok at napangiti ako. Hanga ako sa tatag ng batang ito. Parang hindi man lang niya naiinda ang sakit ng katawan pati kaniyang nararamdaman.
Parang nakikita ko ang sarili ko sa kaniya noong bata palang ako. Nakagisnan ko na wala akong mga magulang. Tanging si lolo Igor lang ang nag-alaga sa akin simulang sanggol palang ako.
I miss him so bad... Parang ipinagkait sa akin ng mga panahon na iyon upang magpaalam sa kaniya dahil hinarang ako ni tita Vera saka pwersahang pinalayas sa hacienda.
"Don't give up, please..." mahina kong sambit kay Nell na alam kong hindi niya ako maririnig.
Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga nang maingat akong umalis sa kama para asikasuhin ang mga pinamili namin kanina.
Sumapit na ng ilang oras ay hindi ko na namalayan na nakatulog ako sa sofa. Nagising lang ako dahil sa mahina at masuyong tapik ni Archie sa aking braso.
"K-kanina ka pa ba?" tanong ko sa kaniya nang tuluyan na akong nakabangon.
"Kakarating ko lang din." sagot niya saka umupo sa aking tabi. Seryoso siyang tumingin sa akin. "How's the kid?"
Umukit ang kalungkutan sa aking mukha. "Mukhang pagod siya. Pero napapansin ko na may iniinda siya, 'yung braso niya. Kaya kailangan ko siyang ipatingin sa espesyalista na kilala mo."
Tumango siya, ibig sabihin ay naiitindihan niya ang ibig kong sabihin. "I'll call him later para mabigyan ka niya ng appointment."
Ngumiti ako. Halos matalon siya nang dumapo ang kamay ko sa isang braso niya. "Salamat, Archie. Pasensya na talaga. Hindi ko talaga isawalang-bahala ang batang ito."
Huminga siya ng malalim at dumako sa ibang direksyon ang kaniyang tingin. "It's fine, no worries." he muttered. "By the way, kailangan mo nang magprepare, pupuntahan pa natin si ahma."
Napalingat ako nang banggitin niya ang bagay na 'yon. "Oo nga pala.... Papaano si Nell?"
"Papunta na din sina Kal at Tarrah dito. Sila daw muna ang magbabantay sa kaniya, kasama din nila ang anak nila."
Doon ay nakahinga din ako ng maluwag. Mabuti nalang talaga!
Lumabas ako sa kuwarto na naka-formal dress. Ganito dapat ang isusuot namin sa tuwing na makikipagkita kami kay Madame Eufemia. Kahit naman sa mga magpipinsan pati ang mga asawa nito ay ganoon din ang gawain. Talagang nagsusuot sila ng pormal. Palagi kasi sa mga fine dining restos gusto makipagkita ni Madame, kung hindi sa bahay nito mismo.
Hinayaan ko lang nakalugay ang buhok ko at hawak-hawak ko ang handbag ko. Nakahigh-heels din ang sapatos ko.
Sa paglabas ko ay saktong naghihintay si Archie. Nilingon niya ako. Nagtataka lang ako kung bakit bigla siyang natigilan nang makita niya ako. Parang ngayon lang niya akong nakaayos ng ganito eh nag-aayos naman talaga ako sa tuwing may okasyon sa pamilya niya.
Magsasalita pa sana siya nang biglang may nag-doorbell sa labas. Huminga siya ng malalim saka nilapitan niya ang pinto para buksan 'yon.
"Hi!" masiglang bati Tarrah sa amin ang nakapasok na sila dito sa loob. Karga niya ang anak nilang si Nilus. "Oh, bihis na bihis, ah! Saan lakad ninyo?"
"Kikitain namin si ahma." nakangiting tugon ko.
Nagkatinginan silang mag-asawa saka nilipat nila iyon kay Archie. Sa mga tingin nilang 'yon ay parang may kakaiba. Parang may ibig sabihin pero hindi ko matukoy kung ano 'yon.
"Akala ko kung ano na," wika ni Kal saka tumawa na parang nang-aasar.
Inirapan lang silang dalawa ni Archie. Bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko. "Kayo na bahala sa bata na nandito. Tawagan mo lang kami kapag may problema."
"Oh sure, ingat kayo... Sa date." paghahabol pa ni Kal.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Archie nang nasa loob na kami ng sasakyan.
Napapansin ko kasi ang pagiging tahimik niya nang nakaalis na kami sa One Oasis. Tahimik naman talaga siya pero iba ang pagiging tahimik niya, parang ano, parang may malalim siyang iniisip.
"Don't mind me, I just need to chill down." seryoso niyang sagot habang nasa daan ang mga tingin niya. Pansin ko na mas humigpit ang pagkahawak niya sa manibela, parang may problema siyang matindi, ah.
Pinili ko nalang magkibit-balikat nalang para hindi na kami mag-away ng isang ito. Hindi ko rin maitindihan kung papaano ba ako nakatagal sa isang ito. Noon, hindi naman talaga kami close. Kaswal lang kami mag-usap. Isang tanong, isang sagot lang. Nang tumuntong na kami ng high school, lalo ko siya hindi maitindihan kung bakit sa tuwing may nagtatangkang manligaw sa akin noon ay humaharang siya. I mean, wala naman akong plano na magboyfriend ng mga oras na 'yon dahil mas nakafocus ako sa pag-aaral ko. Kaya hinayaan ko nalang siya kung anuman ang gusto niyang gawin sa mga lalaking lalapit sa akin.
Mas nagiging malapit ako sa pamilya na minsan inaaya ako ng mga pinsan ni Archie na lumabas. Minsan ay hindi ako nakakasama sa kanila dahil sa pag-aaral, OJT, sa trabaho ko... Lalo na sa misyon ko na malaman ko ang katotohanan.
Pero bakit ganoon? Sobrang bait ng mga Hochengco, pero sila ang itinuturo na may kinalaman sa pagkamatay ni Lolo Igor. Bakit?
-
Sa Blackbird tumigil ang sasakyan ni Archie. Hinintay ko lang siya hanggang sa pagbuksan niya ako ng pinto. Tinanggap ko ang palad niya nang nilahad niya iyon sa akin.
Sabay kaming nakapasok. Nakahawak lang ako sa kaniyang braso. May isang waiter doon na naghatid sa amin kung nasaan si Madame Eufemia. She's with someone. Nakatuxedo ito. Hindi ito intsik o koreano. He looks like a caucasian. American or european guy, I guess. Mukha kasing edad lang din namin siya.
"Oh, they're already here." masayang bulalas ni Madame Eufemia nang makita na niya kami. Tumayo silang dalawa ng lalaking kasama niya.
Ngumiti ako sa kanila habang si Archie ay seryoso pa rin ang mukha.
"Iha, iho... I would like to introduce to you, Lloyd Resendes, son of our major stockholder. Iho, this is my grandson, Archie Hochengco and the lady with him is my adopted granddaughter, Jaycelle Capeda."
Pormal na nakipagkamay ang tinatawag ni Madame na Llyod kay Archie. Tinanggap niya 'yon. Ganoon din ang ginagawa ko pero mas ikinagulat ko na dumapo ang mga labi niya sa likod ng aking palad. Napasulyap ako kay Archie na umigting ang panga sa kaniyang nasaksihan.
Ano na naman nangyayari sa iyo, Archie?
"Ang mabuti pa ay maupo na tayo." nakangiting sabi ni Madame.
Hinila ni Archie ang isang upuan at pinaupo niya ako doon hanggang sa nakaupo na siya sa tabi ko.
May mga lumapit na ding mga waiter. Dala na nila ang mga pagkain na marahil ay si Madame na ang nag-order ng mag iyon. Pinapanood ko lang ang mga waiter na isa-isa nilang nilapag ang mag pagkain sa mesa pero sige pa rin ang pagkukwento ni Madame.
Mukhang interisado naman ang Lloyd sa kwento ni Madame. Nakangiti lang ito pero napapansin ko na panay sulyap niya sa akin sa hindi ko malaman kung bakit.
Kahit na habang kumakain kami ay nagkukuwento pa rin si Madame.
"Siya nga pala, mga apo, nakapagtapos pala sa isa sa mga unibersidad sa Amerika itong si Lloyd. He got a master degree in Business Management and he's always a guest speaker in few events..." dagdag pa ni Madame. Mas lumapad ang ngiti niya sa mga susunod pa niyang sasabihin. "I think he's a great catch."
Nagkatinginan kami ni Archie na may pagtataka. Is like, Madame Eufemia was acting weird. Or kami lang ang nakakaramdam ng ganoon?
"Aside from that, he's only a son and of course, a heir of one of the biggest Hotel here in the Philippines. Oh, in asia, rather." saka mahina siyang tumawa.
"Nakakahiya naman po, madame." natatawang sabi ni Lloyd.
"Oh by the way, so you already saw Jaycelle here, what do you think about her, iho?"
"She's pretty. Hindi siya mukhang detective." nakangiting kumento niya. "She's more like a princess."
Natigilan ako. Agad akong umiwas ng tingin. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang isa sa mga kamay ni Archie na nakakuyom na't nanginginig. Palihim kong tiningnan ang mukha niya, nakatiim-bagang pa rin siya. Parang anumang oras ay may makakasagupa na siya-at iyon ay si Lloyd. Pero bakit? Mukhang wala naman ginagawang masama ang tao.
"Oh, yes, really... She's really a princess, iho." pagsang-ayon ng Grande Matriarch.
Napalunok ako. Bakit parang pinagpapawisan na ako ng malamig dito? Bumibilis pa ang pintig ng puso ko.
"Ahma," mariin na tawag ni Archie sa lola niya.
Tumigil sa pag-uusap sina Madame Eufemia at si Lloyd. Pareho silang nakatingin sa kaniya. "Yes, iho?"
"If you don't mind, I want to know, bakit kailangan mo kaming papuntahin dito at makita? I just want to know the reason is."
Nanatiling nakatikom ang aking bibig. Inaabangan ang magiging sagot ng Grande Martriarch. Kita ko na tumuwid ng upo si Madame Eufemia. Diretso siyang nakatingin sa amin at matamis na ngumiti. "Because I want to inroduce to two of you, this young man here will be Jaycelle's husband."
Napasinghap ako kasabay na kusa kong nabitawan ang mga hawak kong kurbyertos sa aking narinig. Napatitig ako kina Madame at kay Lloyd.
"W-what...?" ang tanging nasabi ko.
"S-seriously, ahma?" kahit si Archie ay ganoon din ang reaksyon. "This is a joke, right?
Bago man ito sumagot ay dinampian niya ng table napkin ang kaniyang bibig. Sumeryoso ang kaniyang mukha. "Of course not. Lloyd has a good credentials as a businessman. Bukod sa inyong magpipinsan, kailangan ko siya sa pamilyang ito, Archilles. And I know Jaycelle will be fit as his bride."
Sa mga narinig ko ay pakiramdam ko ay hinugot ang lahat ng lakas ko...