chapter four

1660 Words
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ipinagkasundo ako ni Madame Eufemia sa isang lalaki na nangangalang Lloyd Resendes. Ang buong akala ko ay ayaw ng Grande Matriarch sa hindi chinese. And out of the sudden ay ipinagkasundo ako, na buong akala ko ay mararanasan lang ng magpipinsang Hochengco. Nadamay ako ng hindi ko namamalayan! Pero may parte sa akin ang pagtutol, meron din na wala dahil na din sa utang na loob ko kay Madame. Bumaling ako kay Archie na tahimik na nagmamaneho. Napalunok ako. Gusto ko sana siyang kausapin ngunit hindi ko magawa. Napansin ko kasi na parang gustong gusto na niyang magwala habang nasa loob pa kami ng Resto. Mabuti nalang ay matiwasay kaming nakaalis doon, pagkatapos namin kumain. Nagpalusot pa ako na medyo sumama ang pakiramdam ko kaya pinayagan na kami ni Madame Eufemia na umalis. "Archie," nag-aalalang tawag ko sa kaniya nang tiningnan ko siya. "Are you alright?" Matalim siyang nakatingin sa daan. "Sana pagkatapos kong marinig ang mga bagay na 'yon kay ahma ay maayos pa ako." kalmado niyang turan pero pansin ko na mas humigpit ang pagkahawak niya sa manibela. Inilapat ko ang mga labi ko para pigilan na ang sarili kong magtanong pa. Bakit ganoon ang mga pinagsasabi niya? Bakit may halong hinanakit nang sabihin niya ang mga bagay na 'yon? Dumating na kami sa unit niya ay sinalubong kami nina Kal at Tarrah na parehong nakaharap sa LCD tv. Sabay pa silang tumingin sa direksyon namin. Pati pagtayo para daluhan kami ay sabay pa. Parang magkadusgo ang mga bituka ng mga ito. Kung nasaan ang isa, naroon din siya. "Oh, bakit ang bilis ninyo yata?" nagtatakang tanong ni Kal sabay umakbay siya kay Tarrah. "Oo nga, anong nangyari? May ginawa ba kayong masama kay Madame Eufemia?" dagdag pa ni Tarrah. "Magpapahinga na ako," malamig na tugon sa kanila ni Archie sabay niluwagan niya ang kaniyang necktie habang patungo na ito sa kaniyang kuwarto. Dahil sa ako nalang ang naiwan kasama ang mag-asawa ay ako ang pinagbalingan nila. Paniguradong sa akin uulan ng mga tanong. "Jaycelle?" si Tarrah. Huminga ako ng malalim, may lungkot sa aking mukha nang sagutin ko sila. "Pinakilala sa amin ni Madame si Lloyd Resendes. Anak ng isa sa mg stock holder ng kompanya ninyo... At siya daw ang mapapangasawa ko." Napasinghap si Tarrah habang si Kalous naman ay nagsambit ng isang malutong na mura, kulang nalang ay suntukin na niya ang pader na katabi niya. Pakurap-kurap ko silang tiningnan. "Bakit ganyan ang mga reaksyon ninyo? May problema ba?" ako naman ang nagtanong sa kanila. Bago nila ako sagutin ay nagkatinginan sila ng ilang segundo saka ibinalik nila sa akin ang mga mata nila. Napangiwi silang pareho. Both of them are releasing a fake laughs, mas lalo ako naguguluhan sa kanilang dalawa. "Siguro, kailangan mo na din magpahinga, Celle. Kami na ang bahala kay Archie." wika ni Tarrah. Halos pagtulukan na nila ako ng dalawa hanggang sa nakapasok na ako sa aking silid. Kumunot ang noo ko nang sinara nila ang pinto. Bumuntong-hininga ako saka nagkibit-balikat na. Bahala na nga sila. Hindi ko na rin maitindihan ang mag-asawang 'yon. Ang buong akala ko pa man din ay hindi sila nagiging weird kapag narito sila. Tuwing napapagawi ang mga pinsan ni Archie, kasama ang mga asawa nila ay nagiging weird ang kinikilos nila. Para silang may nililihim, ayaw naman sabihin kung ano 'yon. Ay, talaga naman... Wala na ang mag-asawang Kalous at Tarrah pagkagising ko. Nadatnan ko si Archie na nanonood ng balita habang nagkakape. Mukhang good mood na siya, pwede ko na siya tanungin kung naaan na ang dalawa. "Archie?" tawag ko sa kaniya saka umupo ako sa single couch. Bumaling siya sa akin. "Yes?" Tumikhim ako saka umupo ako ng tuwid. "Nasaan na pala sina Kal at Tarrah?" baka kasi namasyal sila sa labas. "Umuwi na sila noong tulog ka na." sagot niya. Tumayo siya. Sinundan ko lang siya ng tingin. Medyo nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko habang nakatitig siya sa mukha ko. Napaatras ako sa ginawa niya. "Jaycelle, are you going to accept that f*****g arrange marriage?"  Napalunok ako. Wala akong makapang salita na maaaring sagot sa kaniyang katanungan. Bakit parang hindi ako sanay na ganito sa akin si Archie? Pakiramdam ko ay iba na siya ngayon? "Jaycelle, answer me." malumanay niyang sabi. Umiwas agad ako ng tingin. "B-bakit mo naitanong tungkol d'yan?" mahina kong sambit saka inilapat ko ang mga labi ko. "Gusto kong malaman kung gusto mo din bang ipagkasundo—" "Of course, not. Hindi ko gusto ang fixed marriage, Archie. Alam mo 'yan... At saka, ayaw ko magalit sa akin si Madame Eufemia kapag tumanggi ako..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinalikan sa labi. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya! Parang tumigil ang paligid ko, dahil sa halik na 'yon ay hindi ko na rin marinig ang boses mula sa telebisyon dahil tanging naririnig ko nalang ay ang t***k ng aking puso, kasabay na parang may nagwawala sa aking tyan! Gustuhin ko man siyang itulak pero pakiramdam ko lahat ng lakas na meron ako ay nalusaw iyon ang basta-basta! Sa ilang segundo na ganoon ang posisyon namin ay pakiramdam ko ay sobrang tagal ng halik na 'yon! Tulala pa rin ako sa kaniya nang humiwalay na ang mga labi namin. Ang akala ko ay lalayo pa siya sa akin pero hindi. Idinikit niya ang kaniyang noo sa akin sabay na idinikit niya ang tungki ng ilong niya sa akin. "Huwag kang pumayag, Jaycelle. Please..." namamaos niyang sambit. Archie... "Sana hindi ako naging duwag at naunahan ng hiya sa tuwing kaharap na kita, Jaycelle..." Parang may nakabara na kung ano sa aking lalamunan. Hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat kong sabihin. "Ate Jaycelle?" Halos matalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Nell sa hindi kalayuan sa amin. Dahil din sa pag-alarma ko ay naitulak ko si Archie at bumagsak sa sahig! Dumaing siya pero agad din ako nag-sorry. Bumaling ako kay Nell na kinusot-kusot pa ang kaniyang mga mata, halata na bagong gising. "K-kanina ka pa ba, Nell?" "Gutom na po ako..." Napangiwi ako. Bumaling ako kay Archie na nakatayo na. Balik ulit sa normal ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Naging malamig ulit. Tumingin din siya sa pinanggalingan ni Nell. "Tamang-tama, may ginawa akong sandwich." sabi niya. Nilapitan niya si Nell. Tinukod niya ang isang tuhod niya para maging makalebel silang dalawa. "You want that, little girl?" Lumapad ang ngiti niya saka tumango. Ang mas ikinagulat ko ay sabay nilang pumunta sa Kusina para kumain. Hindi ko alam na mahilig pala sa bata si Archie. Ang akala ko kasi, sa sobrang lamig at seryoso niya sa buhay ay hindi niya gusto ang mga bata. Sumunod ako sa kanila sa Kusina para kumain na din. You should eat your breakfast too, sexy." sabi sa akin ni Archie nang inilapag niya ang sandwhich sa harap ko. Ano daw? Sexy? Pinagsasabi ng isang ito? Hay, ewan ko sa lalaking ito! "Nga pala, nakausap ko na 'yung kaibigan ko. Pwede na natin siya puntahan mamaya." sabi niya saka umupo siya sa tapat ko. Tumigil ako sa pangnguya at tumingin ng diretso sa kaniya. Hindi ko mapigilang mapangiti. "Talaga?" bulalas ko. Tango ang naisagot niya sa akin. "Teka, hindi ka papasok sa trabaho mo?" Nagkibit-balikat siya. "Wala naman akong importanteng gagawin sa opisina. Papasok nalang ako pagkatapos ipatingnan ang braso niya. My secretary knows to do." Tinagilid ko ang ulo ko. Tiningnan ko si Nell na kasalukuyang nag-eenjoy sa nutella sandwich niya. Hindi pa rin niya magalaw ang isa niyang braso. Marahan kong hinaplos ang buhok niya. Pagkatapos namin kumain ay sabay na kaming naligo ni Nell saka nagbihis. Nakakatuwa lang ang batang ito dahil hindi nauubusan ng kwento. Pero ayos na din para malaman ko pa lalo ang pagkatao niya. Baka may makuha akong impormasyon kung nasaan ang mga magulang niya. Mahigit thirty minutes bago kami nakalabas ni Nell. Nakaayos na kaming dalawa. Nadatnan namin si Archie na may kausap sa kaniyang cellphone. Base sa naririnig ko sa pag-uusap nila ay tungkol 'yon sa business nila. Hindi rin nagtagal ang pag-uusap nila. Nilingon niya kami at ngumiti. Wow, isang Archie Hochengco, nangiti? Bago 'yon, ah. "Okay na kayo? Let's go?" tanong niya sa amin habang papalapit siya. Ngumiti ako pabalik. "Okay na kami." Bumaba ang tingin niya. "How about you, little girl?" "Opo!" masayang tugon ni Nell sa kaniya sabay inangat niya ang kaniyang kamay, parang nagpapabuhat pa yata. Mukhang nakuha ni Archie ang ibig sabihin nito. Maingat niyang binuhat ang bata. Mas hindi ko inaasahan ay bigla niya akong inakbayan sa pamamagitan ng isa pa niyang braso. "Let's go, sexy." Hilaw akong ngumiti at tumango nalang. Until we reached his car. Pinauna naming isakay si Nell. Pareho kaming nasa front seat. Nasa pagitan namin si Nell na ngayon ay nakasuot na ng seatbelts. Tuwang tuwa. Halatang excited na nga siya sa lakad namin. Habang nasa byahe kami ay nakatanggap ako ng text message mula kay Fae, ang kapatid ni Archie. FROM : FAE Where are you, guys? Nasa work na ba kayo? Huhuh, tatambay sana ako sa unit ni kuya. Agad ko din siya nireplayan. TO : FAE May lakad kami ng kuya mo, Fae. Importante lang. FROM : FAE WHAAAAAT?! Kayong dalawa ni ahia!?OMG, selfie kayo, pleaseeee? Send mo sa sss! Bumungisngis ako sa nabasa kong text message niya. Rinig ko pa ang sinabi ni Archie na 'bakit?' eh di sinabi ko naman sa kaniya na nagtext ang kapatid niya. Humihingi ito ng selfie, medyo nagulat pa ako dahil pinaunlakan niya ang kagustuhan ng kapatid niya. So I did. Nagselfie kami, syempre kasama si Nell na hindi ko akalain na medyo photogenic pala ang isang ito! Naghihintay lang ako ng reaksyon niya pagkatapos kong i-send ang picture sa f*******: tulad ng instruction niya. Maya-maya pa ay nagnotify iyon galing messenger. Fae Stefanie Ho : Shocks! Sino 'yong bata?! Kyaaah! Para kayong isang family. Ang sweet ninyong tingnan! Ako : Parte siya ng trabaho ko, Fae. Sorry, medyo confidential. :) Fae Stefanie Ho : Hahaha! Ayos lang. Ayie, tuwang-tuwa na naman si kuya niyan. Doon ay kumunot ang noo ko. Pati itong si Fae, nagiging weird na. Hindi ko na maitindihan ang mga pinagsasabi. Bumaling ako kay Archie na ngayon ay malapad ang ngiti habang nakatingin ng diretso sa kalsada...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD