Chapter 6

1431 Words
Clarence's POV "She's been chatting you?" "Yeah" "Edi close pala kayo" Tinitigan ko ng masama si Joshmar "Close sila" Sabi naman ni John Mark. Napailing ako sa mga tropa ko. Close nga ba kami? "I can't say were that close, di ko kasi nakakausap sa personal" "Nagkakilala na rin kayo kasi matagal na nga kayong magkachat. Wait, sya ba ang dahilan ng eyebags mo?" Napabuntong hininga nalang ako ng wala sa oras, bakit nga ba sila ang kausap ko? Sabi ko kasi na agahan namin ang pasok, malay mo pumunta muna sa school si Candy bago sa work. May ganun kaya na istudyante Naghintay kami sa bintana kung may darating na Candy pero dedma. Hindi sya pumasok. "Nagugutom na ko, tara bili tayo. Ang aga natin pumasok sa school, hindi tuloy kami nagbreakfast ni Joshmar" Aya ni John Mark na nakatayo na "Sama ka?" Tanong ko kay Joshmar na nakatungo sa upuan nito pero umiling lang sya habang nakapikit ang mata. Pinabayaan na nalang namin ito habang tinitigan sya. "Tara na. Bili mo nalang si Joshmar ng pagkain" Sabi ko kay John Mark. Ayt, Diet nga pala ako dahil sa kumag na pudding na yun. Sasamahan ko nalang sya para hindi ito lonely. Speaking of pudding, nakakatrauma parin yung pudding na yun, ang sama sa tyan. Habang papunta sa canteen, nadaanan namin si Juliana na paparating saamin. Kumaway naman ako at ngumiti sya samin. "Si Joshmar?" "Natutulog sa classroom" Bigla namang nabuhayan ang babaeng kausap namin at bilis-bilis na naglakad papunta sa classroom "Sa tingin mo, maaga bang napasok si Raven" Isa pa itong lover boy. Napabuntong-hininga ako bago sagutin sya "Raven nanaman. Pero maybe maaga din syang pumasok. She's like one of the top rankings" Sabi ko sa kanya at tamang tama naman na nakikita na namin ang presensya ni Raven na nakangiti. Hinawakan naman ni Joshmar ang damit ko na parang batang baka mawala, napangisi ako sa biglang galawin nito at napailing. "Speaking" Sabi ko ng pabulong sa kanya at kumaway kay Raven na nalapit samin "Morning" Sabi nya at tumango naman ako. Tinitigan ko si Joshmar na parang sinasabi ko sa kanya na 'mag-goodmorning-ka' look at alam na nya agad kung ano ang ibig kong sabihin. "M-morning" Ngiti lang ang tugon ni Raven bago lagpasan kami sa paglalakad "Amoy chocalate sya nung dumaan sya, ang ganda talaga nya" Sabi ni loko habang nakatingin pa sa taas na nakangiti. Mukha tuloy syang nagwiwish. Napailing nalang ako. End of Clarence's POV Juliana's POV Nasa School na ako ngayon at mukhang napa-aga Nang makita ko ang dalawang magkaibigan na naglalakad at wala ang Joshmar ko, tinanong ko kaagad kung nasan sya and it made me smiled cause may alone time na ko sa kanya. Yuhoo. Im not planning anything. Im really not though Pero Tinapon ko agad sa ang bag ko sa upuan tsaka tinitigan maigi ang mukha ni Joshmar na natutulog. Ang puti ng mukha nito. Harina parin Kinuha ko sa bulsa ang cp ko at pinicturan sya. Nang tapos ko syang picturan. Tiningnan ko agad ang litrato at nakaramdam ako ng kilabot Sa mga 1 to 5 na pictures ko nakapikit sya. Pero sa 6 to 8 na pics ko ay nakamulat sya Tiningnan ko ang natutulog na Joshmar sa harapan ko Nakapikit naman ahh Nagising kaya ito? Nagkibit balikat nalang ako at tumitig ulit sa kanya "Tapos mo na ba kong titigan" Lumaki ang mata ko at nilayo ang mukha sa kanya. Umubi ako ng peke at tumingin sa ibang direksyon. Patay na "Pipicturan mo nalang ako, may flash pa" "Ay sorry" Tiningnan ko ulit ang mga picture. Kaya pala mas pumuti. Nagmukha tuloy syang mag-aadvertise ng tide o downy. "Phone" "Huh?" "Give me the phone" Akmang kukunin na sana nya ang Cellphone ko nang bigla akong tumayo. At pinrotektahan ang cellphone ko "Lets talk first!" "Burahin mo muna. Istorbo ka lagi eh" Nagpout ako rito at kunwaring binura ang picture nya, uso din kasi ang safebox sa phone kung saan pwedeng itago ang mga pictures. Dun ko nilagay yung photos nya. "Nabura ko na! Masaya ka na?" Tumungo naman sya sa upuan at pinikit ang mata. Nagpout ako. "Kausapin mo koo" Kinalog kalog ko pa sya kahit alam kong maiinis ito sakin. "Im sleepy" "Hmpp" Tumabi ako sa kanya at tumungo din para magkasingtitigan na kami kahit nakapikit sya. Ang ganda rin ng ilong nya, ang haba ng pilik-mata at medyo pink na labi. Kinakain nya kaya yung chocolate ko, baka may diarrhea na sya ngayon, ano naman kaya ang maidadagdag na ibibigay ko sa kanya? Habang ako ay nagiisip ay napamulat sya ng mata at tinitigan ako ng masama. "Can't you just stay away from me for one day?" "Can't" Pinikit nya ulit ang mata nito at di na minulat. Ngumisi naman ako. Napakasuplado. "Where's the chocolate?" Nagulat ako nung nagsalita sya at nagtanong tungkol sa chocolate. For the first time, sya ang unang naghanap ng chocolate sakin. "Akala ko dalawa na ibibigay mo sakin. Akin na at ipapakita ko sayo kung paano ko ulit itapon sa harapan mo" Okay, nevermind "Do you think i can easily give up! Kung yung mga babae mo, madali ka nang nilalayuan. Ibahin mo ko, hindi ako ganun" Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at napaatras na agad sya. "Kahit na magjowa ka pa ng dalawa o tatlo, hahabulin parin kita. At kahit na gantihan mo ako at lokohin. Babalik ako sayo. Di ko din alam kung bat ako nagkaganito pero pafall ka eh. You make me fall hard to you kaya ang kailangan mo nalang gawin ay panagutan ang puso ko" Sabi ko at kinuha sa bag ang chocolate na hinihingi nya.  Aalis na dapat ako nang magsalita pa sya. "Wasabi... Im allergic to it" Binato nya sakin ang chocolate "Buti nalang at may pamalit ako" Ngumisi ako at binato rin sa kanya ang chocolate. Sinamaan nya ko ng tingin at tumawa lang ako ng konti "Ano! Akala ko tatapon mo sa harap ko" Mala-ready kong sabi rito at nagcross-arm pa. "Whats the use, di ka naman titigil" Nilagay nya sa underdesk ang chocolate ko at lumaki yung mata ko. Tama ba yung nakita ko? Tinanggap nya yung chocolate ko? Halos maiyak na ko sa tuwa at napahawak ako sa bibig dahil sa tuwa.  "Shet, anong nakain nya?" Bulong ko sa hangin bago natulala rito at unti-unting lumapit sa kanya "Hey. Are you ok--" "Joshmarimarrr!! Di ka magsisisi na piliin ako! Kaya ko yang toyo mo!! Kahit na tumalon pa ko sa bulkan, kumain ng isang dekadang pakwan! Baliin buto ko! Gagawin ko yun, sabihin mo lang!! Asdfghjkl" Niyakap ko sya ng sobrang mahigpit at palihim na kinilig. Di parin ako makamove-on na tinanggap na nya ang chocolates ko. Unting-unti nalang at bibigay na din sya. Push mo pa Juliana "Get off!!" Sabi nya habang tinatanggal ang yakap ko sa kanya. Kill joy naman. Narinig kong may tumawag sakin sa cellphone at nakita ko na si Candy toh. Double Kill joy na. Kinuha ko naman ang bag ko at ibang gamit sa underdesk bago lumabas at pinabayaan si Joshmar na parang tinatawag pa ko "Juliana!" Ayan na nga, lumakas pa ang tawag nya. Not now babi Joshmar, yung kaibigan ko muna ang aasikasuhin ko, sobrang tagal na nya kasing absent. Namiss ko din kabaliwan nito, buti pinapapasok pa sya sa school. "Candy!!" Tawag ko sa kanya at nakita ko naman syang kumaway, naka nerd glasses nanaman sya, sabi ko mag conctact lense nalang para mas bagay. Baka kasi mabully ulit "Musta na? Aba! Pumasok ka naman!!" Niyakap ko sya at pinalo ang pwet, tumawa naman sya bago kunin ang mga libro na heheramin nito "Baka ngayong week makapasok na ko. Halos makalimutan ko na yung exam" Sabi nya na pinapasok sa bag ang ibang libro ko na heheramin nya "Hinahanap ka daw ni Clarence" Napatigil sya sa ginagawa nito at tumingin sakin "Sinabi mo?" "Nope, pero binigay ko sa kanya yung picture mo" "Sabi na eh, pero alam mo ba. Nagpunta sya sa cafe kahapon. Inorder nya yung Jumbo Pudding tapos naubos nya yung isang buo" Nagulat naman ako sa kinuwento ni Candy at nagtaka "Heart broken ba sya? Nag-away kayo?" Umiling sya "Wala naman kaming pinag-awayan" "Wow bes ha, magkachat lang kayo. Walang lable" Napatawa naman sya at binuhat na ang bag nya. Mukhang nabigatan toh kasi muntikan nang mahulog pabaligtad kung di ko lang sinambot yung likod. "Salamat dito. Babalik ko toh bukas, baka makaabala ako sa lesson nyo dyan" "Istudyante ka rin naman ditong baliw ka" Sabi ko pero may nilabas syang isang papel at binigay sakin "Pakibigay naman sa kanya, salamat" Kilala ko na ang tinutukoy nya pero dapat may pa letter. Mga magjojowa ngayon. Dahil mas baliw na ko sa baliw, binasa ko yung letter Can't chat you today cause im busy. Might see you soon :) -Candy Sad naman ng relasyon nila. Ang hirap siguro nang hanggang chat lang tapos may mabubuong feelings. Speaking of feelings. May feelings na kaya si Clarence kay Candy? Don't even know
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD