Chapter 9

1389 Words
Julianna's POV "Ok Class ito ang makakapartner nyo para sa dance project at kailangan nyong videohan okay? Kapag hindi kayo sumayaw. Wala kayong grade sa card" Sabi ni Sir P.E at binasa na ang nasa folder Tinitigan ko si Joshmar na nakatungo sa desk nya. Dancerist kaya sya? Buti dancerist ako kaya kaoag nakapartner mo sya. Flip hair na agad. Buti nalang at nakakapagusap na kami nyan ng matino pero minsan lang. Pero dahil nga playboy sya, laging may mga babaeng nadikit sa kanya. Ano sila plastic glue? Kapag talaga naging kami ni Joshmar, pagdadamot ko pa yan. Hmp "Si John Mark Mendoza at Clarence Santos" "At last... Julianna and Joshmar. Thats all, goodbye class" Dahil di ako nakikinig kay Maam, nakatulala lang ako at iniisip na agad kung anong magandang sayaw ang sasayawin para maimpress naman si crush "Uy Juli!" Tapik sakin ni John Mark at tumingin ako sa kanya  "Ano??" "Di mo ba narinig? Partner mo daw si Joshmar. Ito nabibingi na rin" "Ako pa bingi tsk" Wait. Ano ulit sabi? "PARTNER KO SI JOSHHMARR!!??" Halos ang lahat nagsitinginan sakin kahit sya napatingin din sakin pero natulog lang ulit. Nagpeace sign naman ako Nagsisigaw ako sa upuan habang yung iba ay nakikipagusap lang sa katabi. Tiningnan ko naman si John Mark na nakatakip na ang tenga at niyakap ko sya. "John Mark I love you naa!" sabi ko sabay kalog sa kanya sa braso,  tinigilan ko na sya kasing parang nahihilo na at nilabas ang cellphone ko "Ano bang magandang sayaw?" "Swalla pwede" End of Juliana's POV Joshmar's POV "Good luck bro! Dancerist kaya sya" Sabi sakin ni Clarence at napatawa "Aabsent ako" "Sayang din yung grade" Napakunot ang noo ko habang tinitingnan si Juliana na niyayakap ang kakambal ko "John Mark I love you naa!" Umiling nalang ako tumingin sa ibang direksyon "Di nya ko kakausapin tapos sa kakambal ko naman" "Sabi mo?" Tanong ni Clarence at umiling lang ako "Anyway, palit muna kami ng upuan. Paguusapan namin yung sayaw. Kayo rin ah!" Sabi ni Clarence at tumango lang ako. Sino yung kapalit nya ng upuan? "Ano papractisan natin?" I sigh and suddenly feel sleepy. Sa lahat ba naman ng ipapartner sakin, sya pa. "Kahit Switch it up nalang" sabi ko at pinikit ang mata "Magaling ka ba sumayaw?" I stay silent kahit na alam kong naghihintay sya sa sagot ko "Alam mo ba, biglang kumalat yung rumor na may Abs daw si John Mark. Meron ka rin ba?" Hindi ako umimik. Yeah, may abs si John Mark. Lagi kasing nasa gym sila ni Clarence every weekend kaya may build na sila sa katawan. Makikisali pa lang ako kasi puro tulog lang daw ako. Hindi naman masama, sya nga kulang na sa tulog. "Di mo ba ko kakausapin?" Minulat ko ng konti ang mata ko at nakitang nakapout pa sya ng harap-harapan. Sometimes, i find her cute pero minsan lang yun. Kagaya ngayon na mukha syang kinagat ng mosquito. "Anong sabon yung gamit mo?" "Safeguard" "Wow, sumagot ka?" Sabi pa nya at umiling "Pupunta ako sa bahay mo bukas. Dun tayo magrecord" Sabi nya at umalis na. Yun lang yun? Buti nalang at umalis sya para makatulog na ko ng mahimbing Nafeel ko na parang may nagbukas ng bag ko at may nilagay dun, di ako pero patuloy pa nakapikit lang yung mata ko kasi kilala ko na yun. Its her and her chocolate again. Its always been like that. Its Saturday at nasa gym ako ngayon at nagdadumbell. Its supposed to be our meet up at this our but knowing girls who would take time with their make-ups and stuff, they won't even care about the time kaya alam kong late ang babaita. Bigla ko namang narinig ang doorbell ng bahay namin at bumaba ako "Oh, pawis na pawis ka. Kain muna" Ngumiti pa sya habang walang sabi na pumasok agad at walang alinlangang umupo sa sofa namin. What with people and our sofa? I look at her dress, too feminine. Eh magsasayaw kami. Its pink and has flowers in it. She smells like flower too. Not like im smelling her pero yung amoy nya kasi parang naligo na sya sa pabango. Naglotion siguro sya. "Nandyan ka na pala, si Clarence?" Tanong ni John Mark na kabababa lang "Di ko nakita" "Tsk, Mas late pa yun sa babae! Bibili muna ako, baka madaanan ko pa sya" Sabi nya at lumabas. Hindi ba nya nakita yung pagkain sa lamesa. Bahala na sya. End of Joshmar's POV JohnMark's POV Nagpunta na ko sa 7/11 at wala man lang nadatnan na Clarence na naglalakad. Nakalimutan na ba nya? He should know na may project na magaganap at kapag hindi pa kami nakapag video, katapusan na namin. Habang naglalakad, di ko sinasadyang may makabangga ako na tao at nahulog ang salamin ko. Bigla naman akong nagsquat at hinanap yung salamin "Sorry" Wait, that voice. Parang familiar. Nakita ko naman ang salamin ko at sinuot ko na toh. Mukha ng babae ang una kong nakita at bigla naman akong namula. Hindi lang kasi sya babae, kundi ang babaeng gusto ko. "Raven.." "Ikaw pala John Mark. Hi!" Sabi pa nya at kumaway pa sya sakin. Hinawakan ko naman ang dibdib ko kung nasan ang puso ko. Calm down, stop beating for now. I mean, you can beat but slowly "May pupuntahan ka ba?"tanong nya sakin "Ah. W-wala" Sabi ko nalang at nakita ko naman ang pagliwanag pa ng mukha nya "Great. Gala tayo!!" Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at kinagulat ko yun. Habang naglalakad kami nakatingin lang ako sa magkahawak na kamay namin. Wait, Sabi nya gagala daw kami. As in kami lang. Date ba toh? No! Don't think that. It might never happened again. Isipin mo nalang na sinasamahan mo sya Shet may date kami!! "Anong gusto mong gawin? Arcade? Kain? Movie?" Napangiti ako. Parang may butterfly na buhay sa tyan ko habang nakatingin ako sa mata nya. Pulang pula kaya ako sa mata nya? "Uhmmm... N-nood tayo ng movie" sabi ko at hinila ang kamay nya. Nakakahiya. First time ko tong gawin sa crush ko. Takte kasi ni Kuya. Nakita ko na kasing ginawa toh ni Kuya sa isang babae nya. Nilagay pa nga nya yung kamay nya sa bewang nito at dahil napakatorpe kong bata, holding hands lang which is good kasi wala kaming lable "Anong gusto mong panoorin?"tanong ko sa kanya at tinuro nya ang isang horror movie. Napalunok naman ako "Ayaw mo ba ng nakakatakot? Sige iba nalang--" "Hindi! Gusto ko din nan" Naiilamg akong tumawa at napakamot sa batok. Bumili na kami ng ticket at popcorn. "AHHHHHH!!!" Sigaw ko nang makita ko yung multo sa big screen. Si Raven naman, tawa ng tawa sakin pero okay lang. "Cute" Sabi ko habang tinititigan ko syang tumawa "Hahaha, A-ang cute mo matakot" Tumawa pa sya na ikinatitig ko dito. Your more cuter kaya wag kang pafall. Kung pwede ko lang yan sabihin yon. If time can stop. Can it stop now? Kung saan magkasama kami ngayon at walang iniisip na iba. Sana lagi nalang ganto. Magkasama kami. Kapag umamin ako, walang pansinan ang mangyayari. So pwedeng stay friends lang ngayun diba? Hays Natapos namin ang movie at pagkalabas namin sa sinehan. Nakahinga na rin ako ng maluwag at hinawakan ang dibdib ko. Grabe, di talaga ako natakot. "That was great" Nginitian ko sya. May biglang tumunog naman sa cellphone nya kaya tiningnan nya ito. "G-gusto mo hatid na kita?" "Nope, nandito tatay ko malapit sa Cinema. You can go now. Baka makita ka pa nya" Malungkot na saad nya. "Sure. Bye, kikita naman tayo sa school" Ngumiti sya sakin. Aalis na sana ako ng may sinabi pa ko. "I had fun" Mabilis akong naglakad palayo sa kanya. Actually thats not pretty cool pero nag enjoy ako Masaya akong naglalakad sa bahay nang may natandaan ako "Oh s**t!" Napasinghap ako. Yung project! Binatukan ko ang sarili ko "Anong sasabihin ko? Ginabi na ko dahil hinanap ko si Clarence? Tsk. Hindi yun uubra kay Kuya. Nandun na si Clarence sa bahay eh" Napaisip pa ko. "Ito kaya, Ginabi ako kasi tinulungan kong mag grocery si Raven. Ay hindi din, baka sabihin inuna ko pa yun kesa sa project. Edi si Candy nalang? Nope, magagalit si Clarence. Doble pa galit. Argh" Ginulo ko buhok ko. Anong sasabihin ko? Sasabihin ko nalang ba yung totoo? "Bala na" Sabi ko at pumasok na ng bahay. Bungad sakin si Kuya na may tinatawagan at si Clarence na nakatungo "No sir, naka-glasses sya at nakablack shirt!" "Wala po ba?" "Andyan na si John Mark!!" Tumingin si Kuya sakin na parang gulat na gulat, bigla pa nya kong niyakap "Your safe, hindi ka nawala" "Huh?" "Tinawagan namin yung police"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD