Clarence's POV
'Anong ginawa nya?'
'Oh my! What a s**t. Hinawakan nya ang kamay ni Joshmar'
'Mandidiri yan'
'Joshmar, lumayo ka sa germs'
Napasinok ako ng tingnan ko ang kamay namin na magkahawak na sa isa't isa. Hinawakan nya ang kamay ko at ang lambot sa pakiramdam. Nagkatitigan lang kami kahit alam naming andaming nagbubulungan. I was lost in my mind a couple of seconds bago sya umiling. Does she want me quiet? Okay
She's still holding my hand kahit na naglalakad na kami kaya umabot hanggang cafeteria ang ingay pero wala dun ang isip ko
Dahil nga cafeteria ang punta namin. Mas lalong umingay ang paligid nung dumating kami sa main, andaming mata ang nakatingin samin pero pinabayaan ko nalang yun. Are we some kind of celebrity na may scandal? Halos lahat ng tao dito ay nakatingin na samin. Tsk
"Chicken right?" Sabi ni Joshmar at umorder na ng pagkain. Ngumisi naman si Juliana at napailing si John Mark na nasa likod nito. Nilabas na ni Joshmar ang mahiwagang wallet nito at hinablot yun ng kakambal nya
"Isang order lang ang bilhin mo"
"My money! My order!" Sabi pa nya habang kinukuha ang wallet kay John Mark, hanggang sa magsimula na silang magsigawan sa cafeteria. Like twins nga naman
"Look, its a pudding" Sabi ni Candy at tinuro pa ito out of nowhere. Nafeel ko naman na masusuka ako habang tinitingnan ko ang texture na iyun. Oa man sa oa pero parang natrauma na ako nung kumain ako ng isang malaking pudding na yan. The thought of it makes me even sick na parang gusto ko nalang sumuka
"Okay ka lang?" Tanong ni Candy at sa isang salita pa lang nya ay napangiti na ko. Umiling naman ako habang papikit-pikit. Nacute-an kaya sya? Laki ng pinagbago natin Clarence Santos, nagpapacute ka na rin ngayon
Habang naghihiyawan parin ang magkambal ay mukhang hindi na ito matatapos kasi palakas na ng palakas ang hiyaw at biglang leader nila at instant tatay. Kinuha ko ang wallet sa kanila
"Lets eat a proper meal" Sabi ko sa kanila at nagcross-arm sakin si Joshmar. What a kid
"I'll eat three order"
"Mauubos na ang chicken, magtira ka naman. Just one!"
"Two!!"
"Sige! Pero ikaw ang magbabayad ng lunch naming lahat, kaya mo ba yun?" This is a battle of pride with the two of us. Masamang nakatitig parin sya sakin habang nag-iisip ng malalim
"Dude, we can't let you eat three orders, two is okay pero ikaw din ang bibili ng samin kapag gusto mo ng dalawa?"
"Deal!" Kinuha nya ang wallet at umorder na
"Im supposed to buy two more"
"You'll get sleepy" Sabi ko at kinuha ang inorder ko. Inorder ko gamit ang wallet ni Joshmar. May libre na ding tubig! Inabot ko kay Candy yung isang order ng chicken
"Thank you" Sabi nya at kinuha ang pagkain nya. Ngiting tagumpay naman ako dahil nagpakitang gentleman pako sa kanya. Tumingin pa ko sa taas habang bumuntong hininga na nakangiti. It feels great pala na makasama sya ng ganito, sana magtagal
"Ginagawa mo?" Sabi ni John Mark at tumawa pa. Parang lang kasi akong nakasteady sa kanya
Maraang nakain ng mabilis na ngayon si Joshmar at nakatitig lang kami sa kanya
"Get the wallet!" Utos ko kay John Mark na ginawa naman nya. Mukhang bibili pa ulit sya dahil ang bilis nya kumain
"You already ordered with my money! May gusto pa ba kayo?"
"Bibili ka kasi ulit pagkatapos mong kumain"
"So what?" Tiningnan ko naman si Juliana at tumango naman sya. Welcome to the telepathy club.
I feel like we have the same brain cell when we do that telepathy, isang tingin lang at alam mo na yung sinasabi. Kaya kami yung magtotropa gawa ng mahilig kami sa ganito
"Do you know that i like chubby guys! Share ko lang" The act is already starting, tiningnan sya ng masama ni Joshmar
"Do i look like i care? Sabi mo kanina payatot, ngayon chubby!"
"When that guy gets chubby while eating and becomes thin after. It looks kinda awesome that i want him for me. But if he's thin then gets chubby, I won't think twice and marry him. Those boys are cute" Agad namang tinigilan ni Joshmar ang pagkain nya at binigay ito kay Juliana na patuloy parin sa pagpapacute
"I lose my appetite" Sabi pa nito at pinikit pa ang mata. Masaya namang kinain ni Juliana ang pagkain na binigay ni Joshmar. Nagsikain na rin sila and i also lost my appetite
Bakit ba ang daming nakatingin? Tiningnan ko ng masama ang tatlong babae na pinag-uusapan kami. Agad naman silang napatigil at lumingon sa ibang direksyon. Kailangan ko ba silang titigan lahat para lang hindi tumingin?
"Whats with there looks" Inis ko nalang sabi. May krimen ba kaming ginawa para titigan ng ganitong katagal, kanina pa kasi yan.
"Don't mind them, its either there jealous of me or your looks then" Sabi ni Candy habang patuloy pa rin na kumakain. Isang salita lang sa kanya ay napatigil ako sa kakaisip. Napatitig ako sa katawan nya
She looks so thin and tired. Ang pale nya tingnan and it makes me worried cause i have the thought of she's not eating well.
"Wanna have giant pudding with me?" Sabi ko out of nowhere. Agad syang napatingala sakin habang may gulat sa mukha at kahit ako ay nagulat sa sinabi ko
"Pudding? Hindi ba ayaw mo nun. Mukhang natatakot ka nga kanina nung tiningnan mo yung pudding" Napaawang naman ang labi ko habang tinitingnan ko lang sya na tumawa
"Sige, kailan mo ba gustong magpudding ulit?" Aya nito sakin at napangiti ako ng nakakaloko
"Kapag gusto kitang puntahan sa cafe mo, pwede ba kitang paayang magpudding. Kung ayos lang sayo?" Tumango naman sya sakin habang nakangiti na din. Sana pala sinabi ko nalang na date. Para mas matagal kaming magkasama
"Tapos naa!" Ani John Mark na nagi-stretch. Nahiya naman sya agad nung napatawa si Raven sa kanya kaya binaba na nito ang dalawang kamay nya, napailing nalang ako.
"Im Sleepy" Saad ni Joshmar at ayan na nga, dalawa palang ang nakakain nyang meal pero natamaan na sya ng antok
"You'll gain weight when you sleep after your meal"
"Lets work out" Request pa nito sakin at tumango nalang ako. I do need some workout too tho. Hindi na lumalabas yung muscles ko sa dibdib
"Arat na!" Sabi ni Juliana at tumayo na. Inakbayan ako ni Joshmar na parang mapapatulog na nga. Nagkatingin kami ni Juliana at nagsmirk sakin. Ginawa ko naman ang mukha na 'ready-your-phone' look gamit ang mata ko na nakatutok sa bulsa nya at tinaas-baba ko ang kilay ko. Nag-ok sign naman sya
"I know what that means" Sabi ni Joshmar na masamang nakatitig sakin. Tinawanan ko nalang sya at pinalo ang dibdib nito, mukhang nagalit ang gagi sa pinag-gagawa namin kasi lumipat na sya ng akbay sa kakambal nya, magtatampo na ba ako?
"Your gonna chat me later right?" Bungad ko agad kay Candy ng makita ko syang naglalakad ng mag-isa, tinitigan nya agad ako sabay ngiti
"Kapag hindi ako pumasok sa work, i might chat you all night" The idea itself makes me already excited. But knowing na masipag si Candy, magtatrabaho sya.
"Can you skip work and rest?"
"I might get bored" Nagisip naman ako ng mapapalusot para hindi sya makapasok sa trabaho pero nakita ko naman syang tumawa
"I'll chat you later" Sabi nito at napaisip naman ako, she's not going to work? Edi magpupuyat nanaman kami mamaya habang magdamag na magkachat, ang exciting naman.
"Buti nauna pa tayo sa teacher, baka kung ano nanamang gawin sakin--" Tiningnan ko si Joshmar na tulog agad sa upuan nya pagkaupo ko palang. Nagsasalita ako tapos natutulog na pala sya. Agad namang lumapit si Juliana at pinicturan ng sobrang lapit ang natutulog na crush nito
"Hashtag, nice lunch. Might delete soon" Sabi pa nya bago umalis. What a weird couple. Agad namang pumasok na ang teacher namin at bumuntong hininga ako bago kumakumbaba, boring na ulit.
Ting...
Mukhang may nagchat sakin at napalakas pa ang tunog ng notification kaya tiningnan ko agad yun
[Candy: Thanks sa lunch, binayaran ko na si Joshmar]
[Me: Why did you pay him? Thats my treat]
[Candy: He ask all of us to pay. Kesa lang si Juliana pati ikaw. You know...]
Napangiti ako at tumingin sa direksyon nya. She's still chatting me kahit na may klase, mukhang alam nya na nabobored ako. Good thing hindi kami nahuhuli ng teacher dahil nakatalikod sya. At nagchat na nga kami habang patuloy ang klase.
Its midnight now at magkachat parin kami. Ang Dapat na masaya ako ay naging malungkot. May bad news kasi syang sasabihin at medyo kinakabahan ako. Ano kaya yun? Nag-away sila ng kaibigan nila? Sinigawan ng boss? O kaya, naexpelled sa school? Pinahid ko ang pawis ko.
[Candy: Di muna ako papasok sa school gawa nung work, next time na ulit]
Nakahinga ako ng maigi at buti hindi yung expelled ng school. Pero malungkot rin naman dahil sa hindi ko sya makikita. Oh, am i dumb? Magkatabi lang naman ang school pati sa cafe nya, edi pwede ko syang mapuntahan.
[Me: I'll wait. At lagi akong tatambay sa cafe mo pag-uwi]
[Candy: Sweet, Thank you crush! Love you and Good Night!]
Love you
Love you
Love you
"STOPP!!" Napahawak naman ako sa ulo at tiningnan ulit ang chat
Love you. Agad naman akong nagpagulong gulong sa kama habang natawa. Bigla naman akong nahulog at napahawak sa likod
"Ouch" Kinapa ko ang likod ko and it suddenly hurts. May karma agad. Nevermind it, that 'love you' almost got me insane, what even happening to me?
"Di naman sya wrong send diba? Ako lang naman ang crush nya?" Bigla kong tanong sa hangin
"Pano pag wrong send nga yun?" Agad namang lumungkot ang mukha ko at tinitigan ulit ang chat. It can't be wrong send right?
Nang titigan ko ang cellphone ng 10 mins, bumalik na ulit ang ngiti ko sa labi. Its not wrong send. She must be sleeping
I happily go to the bathroom and starts humming in the shower. Im now going to bed at tiningnan ulit ang chat namin
That love you hits me really hard. Love na ba nya ko ngayon at hindi na basta crush? Eh ako, pwede ko na ba syang mahalin pa bukod sa simpleng kilig lang at pawang tingin
Although she's always at work, kahit na wala sya at iniisip ko parin ito sa bawat oras na pwede ko syang isipin, and i felt happy about it. And speaking of works, hindi kaya't napapagod na sya sa sobrang katatrabaho nya, its like school is her rest now while me is her happiness right? This late thoughts at night makes me realize some things.
But I do admit that im smart enough to know that i fall for her now for some reason pero ang alam ko crush nya lang ako sa ngayon, which is 'paghanga' diba?
I need to make a move then, a great move