Nabalitaan ni Cheska na uuwi ng Pinas ngayon sina Georgina kasama ang lolo at lola nito, at syempre kasama din ang kanyang ex na si Bryan. Hanggang ngayon hindi parin mawala sa labi ni Cheska ang tagumpay sa naging plano nya. Dahil sigurado siya na galit na galit ngayon ang mga magulang ni Georgina sa kanya, maging ang kanyang lolo at lola. Sino ba naman ang hindi magalit kong ang taong inaasahan nilang buhay sa kanila ay nabuntis ng maaga? ang nakakainis lang bakit kay Bryan pa? paano kapag nalaman ng mga magulang nito na mayaman pala si Bryan edi mas natuwa sila. Dahil sa mga naisip ni Cheska ay kumulo nanaman ang dugo niya, pakiramdam niya ay hindi pa siya pwedeng mag saya dahil hindi pa tapos ang kanyang plano. Sunod nitong sisiraan ay si Bryan, para si Georgina na mismo ang lalayo s

