Naghihintay si Regine ng sasabihin ng kanyang anak na si Angel.Nakayuko lang kasi ito at tila May malalim na iniisip. "Angel sumagot ka sa tinatanong ko sayo, buntis ka ba?" pag ulit na tanong ni Regine sa kanyang Anak Doon tumingin si Angel sa kanyang Ina habang May tumutulong butil ng luha sa kanyang mga mata. "S-so tama nga ako? Buntis ka nga? Sino ang ama niyan? Sabihin mo sakin ang totoo angel, wag na wag kang magsisinungaling". seryosong sambit ng kanyang Ina. "H-hindi ko alam mommy kong buntis po ako, pero May nangyari mo samin ng isang beses nakaraang buwan po. Sorry mommy lasing po ako, maging siya rin po, pareho po kaming lasing at hindi alam ang aming ginagawa". pag amin ni angel sa Ina. "Papuntahin mo dito sa bahay ang boyfriend mo, kakausapin ko sya. At maghintay ka dito

